CHAPTER 48 - Boy's Talk

139K 2.1K 132
                                    

a/n: update ulit guys ..

enjoys reading .. =)

~ScarsAreBlind~

=============================================================

CHAPTER 48 – Boy's Talk


[a/n: This happened while Kiyo and Takehiro were together]

KYOHEI's


"Kuya!" tawag sa akin ni Kisune na puno ng pag aalala ang mukha. Alam kong gusto niyang tulungan si Kiyo.

"Kisune, hindi tayo pwedeng makialam sa laban niya." Pag papaalala ko sa kanya. Mahigpit na kaming binawalan ng aming ama na huwag makialam sa laban ni Kiyo simula ng nalaman nila na tinulungan namin siya noong battle. Noong una, hindi ko maintindihan ang intensiyon ni dad. Akala ko wala lang talaga siyang pakialam sa bunso naming kapatid, pero sa mga nalaman ko, it turns out that he really cared for our dear Kiyo, he really loves our princess, bigtime.

"Pero kuya, paano sila Ryuu? Damay na sila dito. Wala parin ba tayong gagawin?" Tanong sa akin ni Kisune na ikinangiti ko. Halatang nagulat si Kisune sa pag ngiti ko, well I cant blame him, it's very unusual for me to smile, si Kiyo lang ang nakakapag pangiti sa akin ng ganito except from Raphie, anyway, that's a different story.

"Kuya, stop smiling, will you? You're creeping me out." Parang bading na sabi ni Kisune. Binatukan ko nga. Nahahawa na ata kay Mikage.

"Aray naman kuya. Brutal talaga nito." Nakanguso siyang nag kakamot sa batok niya.

"Tsk. Nahahawa ka na kay Mikage. Lagi ka kasing naka dikit sa kanya para ka na ding bakla." Sabi ko sa kanya na ikinagulat na naman niya. Ano na naman bang problema nito?

"Wow kuya, improving much!" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Hala kang bata ka!

"Yujia!" sigaw ko. Agad namang pumasok sa kwarto ko si Yujia kasama sila Shin at Raphie.

"Yuji, itali mo nga tong si Kisune at ibitin mo patiwarik sa puno sa labas. Sinasapian ata ng masamang espirito kung ano anong lengwahe natututunan." Walang ganang sabi ko kay Yuji na bagamat ay nagulat, agad din namang bumaling kay Kisune at ngumisi.

"Waaah Kuya naman eh. Nahawa lang ako kay Kulit. Waaah Raphie! Kulit! Sera Beybeh! Help me!" Sigaw ni Kisune habang pinagtutulungan siyang itali ni Shin at Yuji na tuwang tuwa pa sa ginagawa nila.

"Wala akong alam dyan ah. Im outta here." Nakangiti ng alanganin na sabi ni Raphie sa akin at akmang lalabas na ng kwarto ng hawakan ko bigla ang isang braso niya.

"Waaah! Kyohei naman eh. Malay ko bang ma aadopt niya yun." Naka ngusong paliwanag sa akin ni Raphie.

"Stop pouting my Raphie. Tara na nga, may pasok pa kayo diba?" sabi ko sa kanya habang hinihila siya palabas ng kwarto ko. Mahirap na baka di ko mapigilan sarili ko. Haay.

+++

"Seal, ayos na ba ang lahat?" tanong ko kay Seal ng madatnan namin siya sa office ni Oji~san.

"Yeah. Sinabihan ko na sila. Maya maya nandito na ang mga yun. Pumayag din si dad na ipahiram sa atin yung conference room." Nakangiting sabi ni Seal.

"Mukhang maganda ang kinalabasan ng reunion niyo ni Oji~san ah?" Tanong ko sa kanya.

"You bet. That old man knocked me off twice." Naka ngisi namang sagot ni Seal. Napailing nalang ako. Kakaiba talaga si Oji~san.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon