CHAPTER 26 - worst day ever?!

145K 2.6K 284
                                    

a/n: pangungunahan ko na kayo, lame po yung chapter na to pero may mga important facts dito so hindi sya maituturing na filler lang.

dedicated sa kanya, gusto daw nya ko maging ate =) super flattered naman ako. Lagi din yan nag aabang ng update ko.

salamat nga pala sa mga bagong readers ..


Kung may time po kayo paki basa na din po yung isang story ko.

[TBTI] Devil's Angels. On going pa din po yan. Medyo may konting action din yan.

Yun lang thanks for reading. Enjoy. =)

~ScarsAreBlind~

CHAPTER 26 – worst day ever?!


 KIYOMIKO's

Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto kaya napabalikwas agad ako ng bangon. Anong ginagawa ko sa kwarto ko? Diba nasa ospital pa ako? Pilit kong inaalala ang mga nangyari ng biglang pumasok sa kwarto ko si Mikage.

"Mylabs gising ka na pala. Kamusta na pakiramdam mo?" Masayang tanong nya sakin. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Bakit pakiramdam ko bumalik na ulit yung lakas ko? I mean, yung inner strength ko. Napatingin naman ako agad kay Mikage na ang lapad ng ngiti, parang nababasa nya ang nasa isip ko.

"Yup baby, nagamot kana." Sabi nya sakin.

"Talaga? Well that's good to hear. Pwede na ko bumalik sa school." Sabi ko sa kanya.

"Yeah, you're back to normal. Pero, sabi ni Takihiro, gusto ka daw kausapin ng gumamot sayo. May pag uusapan ata kayo. Nandyan sila sa labas." Napakunot naman ang noo ko. Ano namang pag uusapan sakin ng gumamot sakin? Tsaka sino nga ba gumamot sakin?

"Ah okay. Sige, mag ayos lang ako tapos labas na rin ako after. May pagkain ba?" Ngayon ko lang naramdaman na nagugutom ako. Pag labas ni Mikage as kwarto ko, napaisip naman ako. Gaano ba ako katagal na walang malay? Tumingin ako sa bintana at napansin kong malapit na mag gabi. Kaya naman pala gutom ako eh, huling natatandaan ko umaga palang.

Naligo na ako at nag ayos ng sarili. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Mikage sa sala na may kausap na dalawang lalaki. Si Take at isang hindi ko kilala. Sya siguro yung gumamot sa akin. Inilibot ko pa ulit ang tingin ko, baka sakaling makita ang taong gusto kong makita pero wala sya. Baka nag pahinga na.

"Kung hinahanap mo si Lance, pinagpainga ko na." sabi naman ni Mikage. Grabe, mind reader ba to? "Hindi ako mind reader, ang dali mo lang talaga mabasa." Sabi pa nya. Hindi daw mind reader pero alam nya iniisip ko?

"Hi. Finally, you're awake. So, how do you feel?" tanong sa akin nung lalaking hindi ko kilala.

"I feel great. Are you the one who cured me?" Tanong ko sa kanya kahit medyo alangan pa ako. Lumapit sya sa akin, as in sobrang lapit tapos saka sya sumagot.

"Yes, It's me and I need a favor in exchange of that." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Baka kasi kung anong pabor ang hingiin sa akin  eh.

"Favor? Anong favor naman yan mister?" tanong ko sa kanya ng makabawi ako sapagkagulat.

"That I will tell you when the right time comes. Oh by the way, it's Jansen my dear." Sabi nya sabay ngiti.

"Tss. Paano kung ayaw ko? May magagawa ka pa ba? Kasi diba, nagamot mo na ako?" tanong ko sa kanya. Tumawa nama sya ng malakas tapos biglang sumiryeso. Yung totoo? Nakakatakot sya promise! Ang bipolar kasi.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon