a/n: eto na po ang update ..
hope you like it guys..
enjoy reading ..
~ScarsAreBlind~
============================================================
CHAPTER 36 – Brother's way
RYUU's
Matapos kong sabihan si Yomi na ako na ang makalaban nya pag sinaktan pa ulit nya si Rina, medyo na guilty ako ng konti. Alam ko naman na mali na hindi ko muna sya pinagpaliwanag pero kasi noong nakita kong nakatutok yung kutsilyo ni Yomi kay Rina ay nakaramdam ako ng takot eh. Alam kong kayang saktan ni Yomi si Rina. Kita ko ang galit sa mga mata nya. Hindi ko na napigilang sigawan sya. Natawag ko pa syang Kiyo.
Nandito na kami ngayon ni Rina kasama ng mga kaibigan nya sa clinic. May mga galos kasi sila. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tama ba na si Rina ang kampihan ko? Okay lang naman siguro si Yomi diba? Alam ko namang hindi siya pababayaan ni Lance, yun pa eh ang lakas ng tama nun kay Yomi. Tsaka kasama naman nya ang buong gang eh. Alam kong hindi nila pababayaan si Yomi.
"Ryuu, nagsisisi ka na ba na ako ang kinampihan mo?" Nawala ako sa pag iisip ng biglang magsalita si Rina. Nag sisisi nga ba ako? Panigurado galit sa akin si Yomi ngayon, maiintindihan naman nya siguro ako diba? Ako lang ang kakampi ni Rina. Kailangan nya ko.
"Tama lang naman na kampihan ko ang babaeng mahal ko diba?" nakangiting sagot ko sa kanya. Nakangiti ako pero bakit parang may pag aalinglangan sa puso ko? Mahal ko pa ba talaga si Rina? Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap. Bumalik lang ako sa katinuan ng may pumasok sa clinic. Parehas kaming napatigil ni Rina at napatingin sa direksyon nila. Napatayo ako ng makita na buhat ni Raven si Yomi at walang malay habang walang suot na damit si Raven dahil nakasuot yun kay Yomi.
Lalapitan ko na sana sila nang bigla akong hawakan ni Rina kaya napatingin ako sa kanya. Para bang sinasabi nya sa akin na wag ko sya iwan kaya napaupo nalang ulit ako. Nag aalala ako para kay Yomi pero hindi ko pwedeng iwan si Rina.
"A-Anong nangyari sa kanya?" alangang tanong ko kay Raven pero imbis na sagutin ang tanong ko ay idiniretso ni Raven si Yomi sa ward kung saan sinalubong sila ng nurse.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong nung nurse na sumalubong sa kanila.
"Stabbed by a bitch." Sagot ni Raven sabay lapag kay Yomi sa bed.
"I am not a bitch." Sagot ni Rina. Somewhat I feel like I made a mistake pero anong dapat kong gawin? Bigla namang humarap sa amin si Raven.
"I didn't say a name." sabi ni Raven kay Rina habang nakangisi. Naikuyom ko nalang ang kamao ko. Alam kong may mali si Rina pero he's hitting her too much. Bakit ba ang laki ng galit nila kay Rina? Silang tatlo, si Lance, Raven at ang kapatid kong si Kei. May nagawa si Rina sa kanila? O may alam ba sila na hindi ko alam?
Maya maya lang dumating na din si Kurt dala dala ang shirt na agad naman nyang iniabot kay Raven. Pag tingin ko kay Rina humihikbi na sya kaya naman agad ko syang niyakap at pinatahan.
"It's okay Rina, shh don't cry." Pagpapatahan ko sa kanya. Alam kong nalulungkot sya kasi hindi na katulad ng dati ang turing sa kanya ng mga kaibigan ko. Isama pa ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Yomi at ni Rina.
Biglang humarap sa amin si Raven at lumapit sa pwesto ko. Nagulat ako ng bigla nalang nya akong sinuntok. I was caught off guard kaya naman napaupo ako sa sahig dahil na din sa lakas ng suntok nya.

BINABASA MO ANG
WMAMTG (Unedited)
AcciónWHEN MISS ASSASSIN MEETS THE GANGSTERS PUBLISHED UNDER CLOAK POPFICTION I came from a clan of assassins who pledged loyalty to the Takehashi Clan. I am slowly gaining fame for my skills ... But because I almost fail from my last mission ... They ga...