CHAPTER 69 - Behind Their Mask

114K 1.8K 289
                                    

a/n: guys sorry for the long wait ..

alam niyon namang masipag ang inyong lingkod kaya ayan, ngayon lang nakapag update .. wag sana kayong madisappoint sa update ko.

feeling ko, maiksi lang to pero maraming clue diyan, hanapin niyo nalang.

Always remember na lahat ng characters ko, may hidden agenda.

Yun lang po .. =)

Si Lance pala yung nasa gilid ..

~ScarsArelind~

==========================================================

CHAPTER 69 – Behind Their Mask

 

 

KISUNE's

 

Halos pigil anag hininga naming lahat. Walang gustong bumasag ng katahimikan. Kahit ako mismo, kinikilabutan sa kapatid ko.

"Kiyo, I'm done pa – WTF!" Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Si Nanjiro pala, dala dala ang mga gamit nila ni Kiyo. Hindi narin niya natapos ang dapat sasabihin niya dahil sa nakita niyang posisyon nila Kuya at Kiyo.

Agad siyang napatakbo sa pwesto namin at walang habas na hinawi kami para makalapit sa pwesto ni Kiyo. Nagulat kami ng bigla niyang ipulupot ang mga braso niya sa baywang ni Kiyo at parang batang binuhat palayo kay Kuya. What the hell? Halos hindi kami makahinga kanina sa tension sabay siya parang wala lang na binasag yun?

"Ano na naman bang nangyayari sayo Kiyo? Kumalma ka nga." Iritang sigaw ni Nanjiro kay Kiyo matapos niyang bitbitin si Kiyo papuntang sala.

"Are you okay Kyohei?" Nag aalalang tanong ni Raphie kay Kuya. Isang tango lang ang isinagot ni kuya kay Raphie pero hindi nakaligtas sa akin ang makahulugan niyang ngisi. Ano ba talaga nangyari sa kanilang dalawa?

Napatakbo kaming lahat ng marinig ang kalabog sa sala. Gusto kong mapa mura ng wagas ng makita ang nangyayari sa sala. Just WTF is happening?

"Isa! Kiyo ano ba!" saway ni Nanjiro kay Kiyo na nakalambitin sa likudan niya. Sa lapag naman may basag na vase.

"What's happening?" Tanong ni kuya Kyohei kila Nanjiro.

"Tsk. Ito kasing si Kiyo ang kulit eh. Gustong mag papasan eh ako na kaya magbibitbit ng gamit namin." Sumbong ni Nanjiro kay Kuya.

"Kiyo! Isa pag di ka talaga bumaba diyan di na kita pag luluto ng omurice!" Banta ni Nanjiro kay Kiyo. Laking gulat namin ng biglang bumitaw si Kiyo sa paglalambitn niya habang nakanguso pa. Tsk. Praning na naman ang kapatid ko. Parang kanina lang, halos mag patayan na sila ni Kuya sa kusina.

"Tsk. Pasalamat ka masarap ang omurice mo! Tara na nga." Inis na sabi ni Kiyo sabay labas ng bahay ng hindi man lang nag paalam sa amin. Anong problema nun?

Napatingin naman ako kay Kuya pero parang ayos lang sa kanya. Sa katunayan ay naka ngiting tagumpay pa siya. Tsk. Ang hirap ng walang alam sa mga nangyayari pero sigurado naman ako na hindi papayag si kuya na gawin ni Kiyo ang isang bagay na ikakapahamak niya. Kung kampante si Kuya, dapat lang sigurong magtiwala ako.

Matapos umalis nila Kiyo ay bumalik na ulit kaming lahat sa sala, siya rin namang dating nung apat mula sa pagdispatya sa katawan nung traydor nilang kasamahan. Tahimik silang naupo sa katapat na sofa.

"Kisune, paano mo nalaman na spy siya?" Tanong sa akin ni Ari~chii habang nakayuko.

"Well, si Kuya Kyohei ata ang dapat sumagot niyang since siya ang nag utos sa akin." Sagot ko naman kay Ari~chii. Dahil sa sinabi ko, napatingin silang lahat kay Kuya. Narinig ko pang bumuntong hininga pa siya bago nagsalita.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon