CHAPTER 46 - Let the Game Begins

142K 2.2K 538
                                    

a/n: waaah patawad guys kung sobrang tagal bago ako nakapag update ..

nag ala dora the explorer na naman ang inyong lingkod eh ..

sana po magustuhan niyo tong chapter na to .. wala munang fight scene heheh ..

~ScarsAreBlind~

==========================================================

CHAPTER 46 - Let the Game Begins

KYOHEI's

"Kyohei, ano ng balak mo?" tanong sa akin ni Yuji.

Ano nga bang dapat gawin? With Hitomi being Kiyo's boyfriend and Nanjiro as her fiancé, haay, Kiyo sure is in big trouble. Bakit ba kasi lapitin ng gulo tong kapatid ko? Tsk.

"Let's go home for now. Wala tayong ibang magagawa ngayon kung hindi magmasid muna. Hindi natin alam kung ano ang balak ni Hitomi same as kung ano ang gagawin ni Nanjiro kay Hitomi. So for now, let's just observe those two subjects." Sabi ko sa kanila at sinimulan na ang paglalakad patungo sa kotse ko.

Nauna ako sa kanilang makarating sa bahay. Pagdating nila, agad ko silang pinapunta sa study room. Hindi ako mapalagay ngayong alam ko na kasama ni Hitomi si Kiyo.

"So, what's up?" tanong sa akin ni Hideoshi.

"Track Kiyo's location and check if activated na yung nano chips." Utos ko sa kanya. Agad naman siyang humarap sa computer.

"Haha, worried about Kiyo baby, huh?" mapang asar na tanong sa akin ni Raphie. Tsk.

"No, I'm not." Inis na sagot ko.

"Hahaha, okay. Sabi mo eh." Nakangising sabi niya.

"Kuya, it seems like the chips are activated. They stop somewhere near the port and there's no sound at all." Sabi ni Hideoshi kaya agad akong napalapit sa kanya.

"Exact location?" tanong ko kay Hideoshi.

"Kalma! Hahahaha. Parang hindi magandang ideya na ibigay sa iyo ang exact location kasi baka bigla kang sumugod doon." Nakangising sabi sa akin ni Kisune.

"As far as I remember I'm still the leader here." Seryosong sabi ko sa kanila. Halata namang natakot sila sa sinabi ko. Tsk.

"Kyohei, bakit ba nawawala ang pagka mahinahon mo pag si Kiyo baby na ng pinag uusapan? Kalma ka lang! Pag sumugod ka doon, malalaman lang ni Hitomi na sinusbaybayan natin siya." Sabi sa akin ni Raphie. Parang kaylan lang napaka inosente niya sa ganto. Pero sa bagay tama siya.

"Okay. Let's just wait and listen." Sabi ko sa kanila at lumabas na ako agad ng study room.

Malapit na akong makarating sa kwarto ko ng tumunog ang SIMAN ko. Agad ko iyong sinagot ng mapagtanto kung sino ang tumatawag.

"Sensei." Tawag ko sa kausap sa kabilang linya. Si Master Kiguri Takehashi ang kasalukuyang Mafia boss ng Takehashi Clan. Siya ang lolo ni Raphie na susunod sa posisyon.

"Kyohei, kamusta ang apo ko?" tanong sa akin ni Master.

"Ayus naman siya sensei. Mabilis siyang matuto pero mukhang hindi pa siya desidido na manahin ang posisyon." Balita ko sa kausap sa kabilang linya.

"Ganun ba? Hayaan mo at di mag tatagal, mauunawaan niya rin ang lahat. Nga pala, kaya ako napatawag ay para ihanda kayo. Nakatanggap ako ng babala sa nalalapit na kaguluhan. Ihanda niyo ang mga sarili niyo lalong lalo na si Mayonaka. Isa siya sa mga target ng kalaban." Mahabang paliwanag ni Sensei. Kumikilos na ang kalaban. Natatakot ako para sa kapatid ko pero kailangan kong magtiwala sa kanya.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon