CHAPTER 80 -The Tricker's Trick (Part 2)

93.5K 1.8K 141
                                    

CHAPTER 80 –The Tricker's Trick (Part 2)


KYOHEI's


Matapos ang operasyong iyon ay agad na akong tumungo sa mga Elders para ipaalam ang kaganapan. Napagdesisyunan nilang ipadala kami sa Hongkong para sa mas malalim na pag iimbistiga sa motibo ng Red Dragons Triad sa pag anib pwersa nito kay Hitomi Takishima.

Minabuti kong bumalik sa kwarto ni Kiyo para kamustahin sya. Habang patungo doon ay nakasalubong ko si Kei at tila ba nagulat siya ng Makita niya ako. Bahagyang napaangat ang kilay ko dahil sa pagtataka ngunit sigurado akong hindi iyon mababakas sa ekspresyon ng aking mukha.

Nakabalik na pala sila mula sa  misyon, pero anong ginagawa niya dito? Dinalaw ba niya si Kiyo? Pero bakit mag isa lang siya?

Nang katapat ko na siya ay huminto siya sa harap ko at bahagyang yumuko. Mukhang nahahawa na sila sa ibang mga tauhan sa mansyon na ito.

"Kuya Kyohei. Ahm, kinamusta ko lang si Kiyo." Mabilisan niyang bati sa akin ng iangat na niya ang ulo niya. Pinilit kong huliin ang tingin niya pero massyado iyong mailap.

"Bakit ikaw lang mag isa?" Tanong ko sa kanya.

"Ahm kasi sobrang na excite akong Makita si Kiyo hindi na ako nakapag paalam sa iba." Nakayuko at bahagya pang nakangusong sagot niya sa akin. Di mapag kakailang anak nga ni Oji~san tong batang to. Bahagya pa akong napailing sa isiping iyon.

"Gising pa ba siya?" Muli kong tanong sa kanya.

"Sa tingin ko gising pa naman siya." Mabilis niyang sagot sa akin habang nakapihit pa ng konti ang kanyang ulo na tila ba nag iisip.

"Nandito ka na rin naman, sabihan mo na yung iba na magtipon sa meeting room dahil kailangan ko kayong makausap. I'll meet you guys in 20. Mauna na ako." Matapos ko siyang bilinan ay iniwan ko na siya doon at tumungo na sa kwarto ni Kiyo.

Nang maating ko ang kwarto niya ay marahan akong kumatok bago bahagyang sumilip sa loob. Nakaupo siya sa gilid ng kama niya at tila may  malalim na iniisip. Tuluyan na akong pumasok sa loob at tinabihan sya sa pag upo sa kama.

"O genki desuka?" (How are you.)  Malambing kong tanong sa kanya. Isinandal niya ang ulo nya sa balikat ko bago sumagot.

"Kaifuku. Tabun." (Recuperating. I guess.) Matamlay niyang sagot sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at iniyakap ang isa kong kamay sa balikat nya. I know she's having a very hard time getting over those loss.

"Daijobudayo. You're one tough lady." (You'll be fine.) Nakangiting sabi ko sa kanya kahit na alam kong hindi nya iyon nakikita.

"I want to fight for them. I am the reason why they died. I am the very reason why this rubbish war is happening but otou~sama forbid me to take part. It's just ... unfair." Puno ng hinanakit na sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. He did that? For goodness' sake, that won't solve anything!

"Let me talk to him. But for now, you need to rest and regain your strength." Tumayo na ako at inalalayan siyang mahiga sa kama niya. Hindi naman na siya nagsalita pa.

"I'll take my lead now Kiyo. They're already waiting for my presence, I guess. Rest well my princess. I love you." Paalam ko sa kanya at marahan siyang kinitlan ng halik sa noo bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya.

 I guess I really need to talk to our father. He can't just forbid Kiyo. It will only make things worse.

Nang makarating na ako sa garden ay natanaw kong naroroon pa sila Ryuu kasama sila Yujia. Mukhang may hindi magandang nangyayari dahil rinig na rinig ko ang ingay nila at sigurado akong si Mikage ang naririnig ko. Tsk. Napakaingay talaga ng lalaking iyon.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon