CHAPTER 3 - First day Impressions

249K 5K 846
                                    

CHAPTER 3 – First-day Impressions


KIYOMIKO's


Paglabas namin ng office ni Ryuu, agad syang tumingin sakin.

"Nani?" (what?) tanong ko sa kanya.

"You know how to speak tagalog?" tanong nya.

"Yes." Matipid kong sagot.

"Pwede bang magtagalog ka? Hindi naman sa hindi ko kayang intindihin ang sinasabi mo, kaya lang nasa Pilipinas ka kasi." Paliwanag nya.

"Okay." Sagot ko ulit.

"One more thing, Let's be friends okay? Mukha kasing matagal tagal tayong mag kakasama, ayoko rin namang makipag away sayo, baka mapatay mo pa ako." Napatingin naman ako bigla sa kanya.

"Don't be surprised. Hahaha. I know you're an assassin the same as my brother, but don't worry your secret is safe with me. So friends?" sabi nya sabay lahad ng palad. Wala naman sigurong masama kung makikipag kaibigan ako sa lokong to.

"Okay friends." Nakangiting sabi ko habang inaabot ang palad nya.

"Tara na may klase pa tayo." Sabi nya sabay lakad na. Maglalakad na naman ako? Nung napansin nyang di pa din ako lumalakad ay binalikan nya ko.

"May problema?" tanong nya sakin.

"Eh kasi, ayokong maglakad. Hindi ko naman pwedeng tawagan si Yujia at pabalikin dito para lang ipasan ako." Paliwanag ko sakanya. Well, more on nangongonsensya. Hindi naman sa nag iinarte ako, medyo tinatamad lang. Isa pa pang bawi na din sa ginawa nila sa akin nung nakaraan. Madaming dugo kaya ang nawala sa akin.

"Hahaha. Ang cute mo mag pout. Ayaw mo talaga maglakad?" sabi nya.

"Hindi naman sa ayaw. Kaya ko namang maglakad kaya lang nakakapagod tsaka ang init pa. Wala ba tayong ibang pwedeng daanan yung hindi maiinit?" tanong ko sa kanya.

"Wala eh. Malapit lang naman dito building natin eh. Takbuhin nalang natin. Tara na." sabi nya sabay hila sakin. Wala na akong nagawa.. Ayoko lang din talagang maglakad pag ganto kainit. Napaka taas ng araw, masakit sa mata.

Nang makarating na kami sa building, dumiretso na kami sa room namin. Nasa may third floor pa yun at lahat ng taong madadaanan namin ay tumatabi, siga kasi yung kasama ko. Walang pakialam tapos hilahila padin nya ako kaya halos lahat ng babaeng madadaanan namin nag bubulungan na naman. Puputulan ko ng dila tong mga babaeng to eh pag di ako nakapag pigil. Sa asar ko, bigla akong huminto. Wahahaha may naiisip akong magandang ideya.

"Bakit ka huminto?" tanong sakin ni Ryuu na nasa unahan ko. Nasa second floor na kasi kami.

"Ang sakit na ng paa ko." Malungkot na sabi ko. Sana maawa to.

"Naka nguso ka na naman. Tsk. Tara na nga pasan na kita. May bayad to ah. Libre mo ko lunch." Sabi nya sabay upo sa harap ko.

"Yey! Arigato Ryuu~kun. Ikou!" (thank you / lets go!) masiglang sabi ko tapos pumasan na ako sa kanya. Yung mga babae naman na nakakita mas lumakas yung bulungan. Wahahaha. I'm so evil, oh my gosh!

"Baba na. Andito na tayo. Hahaha grabe ka din gumanti no? Alam kong narinig mo yung mga bulungan kaya ka nag papasan. Hahaha you're really something Yomi." Sabi nya habang ginugulo yung buhok ko. At ano daw? Yomi?

"Eh? Yomi?" tanong ko sa kanya.

"Yup. From now on you're my little sister Yomi. Hahaha. Lets go inside, late na tayo." Sabi nya tapos hinila na naman ako papasok.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon