CHAPTER 8 - FRIENDS?

202K 4.2K 585
                                    

CHAPTER 8 – FRIENDS? (Ryuu, Raven, and Martin on pics)

RYUU's

Pag dating namin sa ospital, naabutan namin sa loob ang tatlong lalaki. Yung dalawa pamilyar, kasama sila noon ni Kisune sa canteen. Yung isa hindi ko kilala.

"Kamusta na po si Yomi?" tanong ko sa kanila.

"Ikaw ba si Ryuu?" tanong sakin nung lalaking hindi ko kilala, nakaupo sya sa tabi ng higaan ni Yomi.

"Ako nga. Sya si Lance at si Raven." Pakilala ko din kila Lance.

"Ako nga pala si Kyohei, kuya ni Kiyomiko. Sila naman si Shin at Yujia." Kalmadong sabi nya, Kyohei pala ang pangalan nya.

"Alam nyo ba ang nangyari?" tanong ni Shin.

"Sa totoo lang hindi eh, pinalayo na kasi agad ni Yomi saamin yung isa naming kasamahan na nakasagutan ni Kisune." Sabi ko.

"Ganon ba? Buti naman at nakinig kayo kay Kiyo, alam nyo ba na kung hindi kayo naka alis doon eh mas matindi pa ang maaring mangyari?" sabi samin ni Kyohei. Nakakatakot sya. Ang kalmado nya kasi.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Raven.

"Hindi ko alam kung anong ginawa ng kaibigan nyo at napalabas nya ang demonyo ni Kisune, sa pag kakatanda ko, mahaba ang pasensya ng kapatid kong yun. At isa lang ang kahinaan naming lahat. Si Kiyomiko yun." Mahinahong sabi ulit ni Kyohei. Si Yomi ang kahinaan nila? Kaya naman pala ganoon nalang ang galit nya kanina. Pero imposibleng dahil lang sa picture yun.

"Hindi kaya may kinalaman yung tinutukoy nilang nagbalik na? naalala ko kasi nabanggit ni Kisune kanina na he knows that he's back. Di ko lang alam kung sino yung sinasabi nila." May kinalaman din kaya yun dun sa sulat?

Nakita kong nag katinginan sila at sabay sabay na napatingin kay Yomi.

"Ryuu, kaibigan ka ni Kiyomi hindi ba?" biglang tanong sakin ni Kyohei.

"Oo naman, parang kapatid na din ang turing ko sa kanya kahit kahapon lang kami nag kita." Sagot ko.

"Good. Maiwan na muna namin kayo dito. Puntahan lang namin si Kisune sa kabilang room." Sabi ni Kyohei sabay tayo at lumabas na silang tatlo.

Umupo ako sa inupuan kanina ni Kyohei, yung dalawa naman naupo sa may sofa sa gilid. Tinitigan ko lang si Yomi. Ang dami nyang gasgas sa braso, may pasa din sya sa pisngi nya.

"Ryuu, sa tingin mo ba may kinalaman yung sulat na nakuha ni Kiyo kahapon dun sa lalaking sinasabi nilang nag balik na?" tanong ni Raven. Pareho pala kami ng iniisip.

Hindi ko na sya sinagot. Tinignan ko lang sya at nag kibitz balikat.

Nanatili lang kami doon hangang bumalik sila Kyohei. Kinahapunan umuwi na din kami.

Kinabukasan nagpumilit si Yomi na ilabas na sya sa ospital. Kahit against doon ang doctor eh wala naman silang nagawa. Ewan ko anong sinabi nyang si Yomi at pinayagan na syang lumabas. Lapad nga ng ngiti eh. Kami lang buong Red Night ang naghatid sa kanya pauwi, sila Kyohei kasi nandun sa kwarto ni Kisune. Balita ko kasi ilalabas na din yun ngayon. Grabe lang, alam ko matindi tama nun sa binti eh, ano kaya sinabi ng magkapatid na to sa mga doctor at pinayagan silang lumabas na.

Nang makarating kami sa unit ni Yomi eh hindi muna kami umuwi at sinamahan lang sya doon.

"Kiyo, what do you want to eat? May papabili ka ba?" tanong ni Kurt kay Yomi na nakahilata sa sofa habang nanonood ng K O One. Taiwanese series yun na mga gangsters na may kapangyarihan ang bida. Medyo weird nga eh tapos nakakatawa. Lalo na pag nag papaliwanag sila, kasi ang sinasabi lang nila ay 'this is this, that is that' tapos naiintindihan na agad ng kausap nila. Kaya si Yomi ayun, tawa ng tawa. Kung makatawa nga kala mo di galing ng ospital eh.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon