CHAPTER 74 - Friends and Foes

97.5K 1.7K 347
                                    

a/n: guys short update lang ito. Pagpasensyahan niyo na, mahirap kasi magtype sa mobile eh. babawi ako pag okay na laptop ko.  

~ScarsAreBlind~

===========================================================

CHAPTER 74 – Friends and Foes

 

KYOHEI’s

 

Ito na ang oras ng pag sugod namin sa main house ng Yaban Jin. Nagpadala na rin kami ng mga tauhan sa iba pang teritoryo nila para siguradong walang makakawala sa kanila. Nakahanda na ang lahat, archers, shooters, assassins. Hudyat nalang ni master ang hinintay at handa na kaming simulan ang laban na ito.

Naglalakad na ako palabas ng main house namin ng masalubong ko si mom. Bakas ang pag aalala sa mukha niya. Huminto ako sa tapat niya at bahagya siyang nginitian. Alam kong nag aalala siya para sa amin, masyadong delikado ang lakad namin ngayon dahil isang buong clan ang patutumbahin namin. Nagulat ako ng biglang tumulo ang luha ni mom. Agad akong napahawak sa balikat niya at tinignan siya sa mata.

“What’s wrong mom?” Nag aalalang tanong ko sa kanya.

“Kyohei, bring her back here. I’m so worried to death. Ilang lingo na kayong walang balita sa kanya at kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko nasa bingit ng kamatayan ang anak ko.” Pagsusumamo ni mom. Bigla akong kinabaha sa sinabi ni mom. Hindi ko rin maipaliwanag pero bigla akong nag alala para sa kapatid ko at hindi ko gusto ito.

“Mom, don’t worry, alam kong magpapakita siya mamaya. Hindi niya palalampasin ang pagkakataong makaharap ang taong pumaslang kay Seal. Mauuna ako mom.”

Nakarating na ako sa van pero hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Ayokong isipin na napahamak na ang kapatid ko.

“Kyohei, ayos ka lang ba?” Nawala ako sa pag iisip ng marinig ang boses ni Raphie mula sa gilid ko. Napalingon ako sa kanya at nakita ang nag aalala niyang mukha.

“Daijabou desu.” (I’m alright.) Maiksing sagot ko kay Raphie.

“Sinungaling.” Maiksi rin niyang sagot sa akin pabalik.

“Hindi ako dapat magi sip ng iba Raphie dahil buhay ng nakararami ang nakasalalay sa misyon natin ngayon.” Paliwanag ko sa kanya.

“Our weakness can become our strength if we know how to control our emotions. You taught me that, remember? Besides, knowing you, that’s your expertise.” Nakangiting sabi sa akin ni Raphie. Napailing nalang ako. Haay Raphie.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon