CHAPTER 25 - Dangerous little Secrets

143K 2.6K 383
                                    

a/n: guys short update lang muna ..

Baka matagalan ulit next update, sana po maintindihan nyo, nag luluksa pa ako at ang pamilya ko.

i think i need a little time to cope up .. sana po maintindihan nyo.

=========================================================

CHAPTER 25 – Dangerous little Secrets

MIKAGE's


Papunta ako ngayon sa ospital para sunduin na si Kiyo. Napag usapan kasi namin ni Kyohei na ilabas na sya dito dahil wala namang maitutulong ang mga doctor sa kanya.

Nang makarating ako sa ospital ay dumiretso muna ako sa doctor na humahawak kay Kiyo, hihingi ako ng permiso para mailabas na namin sya. Buti nga at hindi na ako nahirapan pang makiusap sa doctor sabi kasi ni Kyohei takutin ko daw pag di pumayag eh. Ganun ba ginagawa nila? Brutal talaga nung lalaking yun.

Matapos kong dumaan sa doctor ay dumiretso na ako sa kwarto ni Kiyo pero napakunot ang noo ko ng makitang nakatayo sa labas ng kwarto ni Kiyo sila Kisune at mukhang di mga mapakali. Lalapitan ko na sana sila ng bigla silang sabay sabay na napatingin sa kwarto ni Kiyo at walang sabi sabing nagsipasukan doon. Sa kaba ko na baka may kung anong nangyari dali dali din akong tumakbo papasok sa kwarto ni Kiyo.

Pag pasok ko sa loob ng kwarto, hindi ako maakapaniwala sa nangyayari, sinusugod ni Kiyo si Kyohei habang sinisigaw ang kagustuhan nyang patayin ang kuya nya. Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko, hindi lumalaban si Kyohei sa kapatid nya, pero kung wala kaming gagawin, matatamaan ni Kiyo si Kyohei. Iwas lang ng iwas si Kyohei hanggang sa ma corner na sya ni Kiyo. Itinutok ni Kiyo ang Spear nya kay Kyohei. Wala na akong choice, kailngan ko ng gumawa ng paraan. Inilabas ko agad ang chained kunai ko at ...

"Arrrggg"

Sigaw ni Kiyo habang nakapulupot sa katawan nya ang chained kunai ko.

"Kiyo ano bang nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya habang pinipilit na hindi sya makawakla sa kadena ko.

"KOROSU DESHO U!! Arrrgg let me go!!" (I WILL KILL YOU!!) sigaw ni Kiyo habang pinipilit na makawala sa kadena na nakapulupot sa kanya. Nakakatakot ang Kiyo na kaharap ko ngayon. Walang mababakas na emosyon sa mga mata nya at para bang kahit sino ka pwede ka nyang mapatay.

Magsasalita pa sana ako ng biglang bumagsak si Kiyo pero agad din naman syang nasalo ni Kyohei na nakatayo sa likod nya. Inalis na ni Kyohei ang kadena sa katawan ni Kiyo at binuhat ito pahiga sa kama nya.

"Kyohei, ano ba nangyari kay babes ko?" tanong ko kay Kyohei. Nakatikim naman ako ng malutong na batok mula sa kanya. Ano bang masama sa sinabi ko? Nagtatanong lang naman eh.

"Manahimik ka nga muna Mikage, daldal mo eh." saway sakin ni Kisune. Aba, aba, mas matanda ako sa kanya ah.

"Mikage, I check mo nga si Kiyo, gumamit sya ng Chi kaya baka naapektohan ang pagkalat ng lason sakatawan nya." sabi sakin ni Kyohei kaya naman agad ko syang nilapitan. Sinuri ko ang pulso nya at masasabi kong hindi ito normal. Masyadong mabagal ang pintig ng puso nya at higit pa doon pumapalya ito sa pagtibok kada dalawang pintig. Mabagal na din ang reaksyon ng kanyang sensory at motor neurons. Malamang dahil sa pag gamit nya ng Chi ay nabuksan ang mga pressure points nya na naging dahilan ng mas mabilis na pagkalat ng lason sa buong katawan nya at mukhang aabot na yun sa Central Nervous System nya kung hindi ito agad na maagapan. Napatingin ako agad kay Kyohei at mukhang alam na nya ang ibig kong sabihin.

"Kisune, tawagan mo si Takihiro ngayon din. Sabihin mo kung pwedeng ngayon na gamutin si Kiyo." Kalmadong utos ni Kyohei kay Kisune. Grabe, kalmado pa rin sya sa sitwasyong to? Ibang klase talaga tong kaibigan ko.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon