CHAPTER 34 - Back on Tracks

134K 2.5K 423
                                    

 a/n: short update guys .. sinipag akong magsulat eh ...

salamat sa mga bagong followers at sa mga bagong readers as well ..


CHAPTER 34 – Back on Tracks


LANCE's


Andito na kami ngayon sa arena. Katulad ng napagkasunduan, lalabanan ni Rina ang Shi-ne.

Habang nag hahanda si Rina, hindi naman mapakali si Ryuu sa tabi ko. Alam kong nag aalala sya kay Rina pero parang may iba pa syang iniisip.

Nag salita na ang MC at sinabing malapit na magsimula ang laban. Pumwesto na si Rina sa gitna ng arena. May dala syang dalawang dagger sa magkabilang kamay. Mukha namang marunong talaga sya lumaban. Maya maya pumunta na din sa gitna ang tatlong nakamaskara. Isang babae at dalawang lalaki. Dumating na din ang kalaban ni Rina, ang Shi-ne. Kahit rank 4 lang sila, magagaling naman silang lumaban. Yung way of fighting nila ay parang kay Miko. Bihasa sila sa Asian martial arts. Kung tutuusin, kaya nilang mag rank 1 pero ayaw lang nila kami labanan.

Pumito na ang MC na syang hudyat na simula na ng laban. Unang sumugod si Rina gamit ang dalawang dagger na hawak nya pero agad naman iyong naiwasan ng babae na sinugod nya. Dahil sa  pagiwas ng kalaban, kuntikan na sumubsob si Rina. Napuno ng kantyaw ang buong arena. Marami ang sumisigaw ng 'boo' at may mga nagtatanong din kung sya ba talaga ang 7th Phantom member na tumalo sa Shadows at mga alagad nito.

Kinakabahan ako para kay Rina. Halata kasing di nya kaya yung tatlo. Lalakad na sana si Ryuu para tulungan si Rina ng may humarang sa daan nya. Isang babae na naka black hanging shirt, black fitted jeans at mascara na parang pang ninja. Parang kilala ko sya, hindi lang ako sigurado kung sya ba talaga.

"WTF? Sino ka? Padaanin mo ko." Sigaw sa kanya ni Ryuu. Napalapit na din kaming lima sa pwesto nila.

"Do you love her that much?" Seryoso at walang mababakas na emosyon sa tono ng boses nya.

"What? You stop me just to ask that? The hell you care?" irita ng sabi ni Ryuu sa babae. Mukhang hindi nya pa namumukhaan or should I say nabobosesan yung babaeng kaharap nya. Napailing nalang ako.

"Just fucking answer my question Ryuu. Or pwde rin namang hayaan ko nalang sya na mapatay ng target ko ngayong gabi. What do you think?" nakakalokong tanong ni Miko kay Ryuu. Tama si Miko yung babaeng kaharap nya. Nahagip ng mata ko si Raven na nakangisi kaya I guess alam din nyang si Miko yung babae.

"Miko, stop scaring Ryuu. Tsaka why are you here? At bakit may benda ka sa tyan?" Singit ko sa usapan nila. Mukha kasing mananapak na si Ryuu. Halata namang nagulat sila na tinawag kong Miko yung babaeng kaharap ni Ryuu, well except from Raven.

"Y-Yomi? Yomi ikaw ba yan?" Gulat na tanong ni Ryuu sabay yakap ng mahigpit kay Miko.

"Ehem." Kunyaring pag ubo ko. Aba, ang tagal nung yakap ah.

"Sus, selos." Bulong sa akin ni Kurt na katabi ko kaya naman nabatukan ko sya ng wala sa oras.

"Ryuu, tama na yakap pwede? Sagutin mo nalang yung tanong ko kasi kung hindi, hahayaan ko talagang mamatay yang Rina girl na yan." sabi ni Miko kay Ryuu kaya naman napakalas agad ng yakap si Ryuu, mukhang naalala na nya si Rina sa wakas. Kanina kasi kung makayakap wagas eh. Psh. Hindi ako nag seselos ah.

"Ay oo nga pala. Pero Yomi, bakit kailangan ko pang sagutin yung tanong mo?" sabi ni Ryuu kay Miko.

"I'm giving you a favor here Ryuu. If you love her, then I'll spare her life kahit na gustong gusto ko syang patayin dahil sa mga pinaggagagawa nya sa akin. Now answer me." Seryosong sagot ni Miko kay Ryuu.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon