CHAPTER 18 - Where art thou, Kiyomiko?!

166K 3.4K 571
                                    

a/n: sensya na kung lame update .. aigoo, pasensya na din kung natagalan .. sana po magustuhan nyo ..

salamat sa mga bagong followers at sa mga nag add nitong story ko sa reading list nila. I'll try my best para mas ma satisfy pa kayo sa story ko .. salamat din sa compliments .. sobrang na overwhelm ako ..

si Mikage Sou pala yung nasa side .. --------------------------------->>>>>>

~ScarsAreBlind~

===========================================================

CHAPTER 18 – Where art thou, Kiyomiko?!


LANCE's


Kadadating lang namin sa party ng ate ni Raven. Kami lang lima nila Ryuu ang magkakasama since dito na dumiretso si Raven sa bahay ng parents nya kagabi. Minutes later nakita na namin si Raven na papunta sa table namin and to my surprise, kasama nya si Miko, hindi lang basta kasama, pasan pa talaga nya! Hanggang dito ba naman, nag papapasan pa rin sya? Pasaway talaga. Argg. Bakit ba masyado akong affected? Hayaan na nga siya, gusto niya yan. Pero bakit kay Raven na naman sya nakapasan? Aish! Bakit ba iniisip ko pa?

"Yomi? What happened?" Nag aalalang tanong ng lalaki sa tabi ko. Sino pa bang tumatawag ng Yomi kay Miko?

"Waaah Raven anong ginawa mo kay Kiyo?" Parang bata na tanong ni Kei kay Raven.

"Psh. Mukha ba akong may gagawin sa babaeng to?" masungit na sagot ni Raven.

Bumaba na si Miko sa pag kakapasan ni Raven sa kanya at umupo sa upuang bakante sa tabi ko. Tinignan ko lang sya at halata sa mata nya na umiyak sya. Nagkita na kaya sila ni Takihiro?

"Are you okay Miko?" Pabulong na tanong ko sa kanya.

"Sort of." Matipid na sagot nya.

Tinitigan ko lang sya ulit na para bang hindi ako naniniwala, well, hindi naman talaga. Hindi sya mukhang okay sa paningin ko.

"Convince me." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Fine, I'm not okay! Happy now?" Iritang sagot sakin ni Miko sabay tayo kaya naman napatingin sa direksyon namin sila Ryuu at bakas sa mga mukha nila ang pag tataka.

"Restroom lang ako guys." Paalam samin ni Miko sabay alis na.

Sinundan ko lang ng tingin ang palayo na si Miko. Pagbalik ko ng tingin sa mga kasamahan ko, halos patayin na nila akong lima sa sama ng mga tingin nila.

"What?" Tanong ko sa kanila.

"Di mo man lang susundan?" tanong sakin ni Raven. Napatingin naman ako kay Raven. Ano ba sinasabi nito? Bakit ko naman susundan si Miko sa Restroom?

"Gusto mong sundan ko siya sa restroom?!" Nagtatakang tanong ko.

"Ayaw mo? Ako nalang susunod, baka makasalubong na naman niya si~" Di ko na pinatapos yung sasabihin ni Raven agad na ako tumayo at tinungo yung direksyon na nilakaran ni Miko kanina.

Nang malapit na ako sa may restroom ng girls, agad kong nakita si Miko na nakasandal sa pader malapit sa entrance ng restroom. Nilapitan ko sya at nagulat ako sa ginawa nya ng makita nya akong papalapit.

"Ransu!" Sigaw nya sakin sabay yakap. I froze for a while. Bakit ba parang lagi nalang akong nagugulat tuwing niyayakap nya ko? Namalayan ko nalang na nakayakap na din ako sa kanya.

"What's wrong Miko?" tanong ko sa kanya ng bumalik ako sa katinuan pero magkayakap pa din kami.

Kumalas sya sa pagkakayakap nya at tinignan ako sa mata sabay nagpakawala ng isang napakalalim na buntong hininga.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon