CHAPTER 54 - Painful Farewell

116K 2.1K 769
                                    

a/n: SPG po ang chaapter na to. well, spg naman pala talaga ang story ko. Hahaha ...

Alam niyo bang umiiyak ako habang tinatype to? Bakit ako naiyak? Basahin niyo nalang .. waaah ... T.T

on the side pala, si Kiyo at Nanjiro pati nadin ang Dagger of Fate at Pandora's Box.

(Media changed.⬆️⬆️⬆️)
~ScarsAreBlind

===========================================================

CHAPTER 54 - Painful Farewell



LANCE's

"I wont do that if I were you." Pigil sa akin ng isang boses mula sa likod ko ng akma kong lapitan si Miko. Hindi ko na kailangag lumingon para lang malaman kung sino ang nag mamay ari ng boses na iyon.

Hindi na lang ako umimik at pinagpatuloy ang pagtitig sa babaeng mahal ko. Kanina ko pa siya gustong lapitan. Simula ng makita ko siya sa party na 'to, hindi na ako mapakali. Gusto ko siyang kausapin pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ngayon namang nakapag desisyon na akong lapitan siya saka naman susulpot ang lalaking to para pigilan ako.

"Gusto ko lang magpaalam sa kanya, Hitomi." Pakiusap ko sa lalaking nasa likod ko.

"You will never talk to her again. That's an absolute order Lance. If you want to see you're sister alive, you will obey me." Mariing utos niya sa akin. Napahinga nalang ako ng malalim. Ayokong maging makasarili. Ayokong madamay pa ang pamilya ko dito o kahit si Miko. Kung hindi niya lang sana hawak ang kapatid ko.

Hindi nalang ako nag salita at umalis nalang sa lugar na iyon. Pinuntahan ko nalang ang kwarto ni dad.

Naabutan ko siya na may kausap na lalaki. Parang pamilyar ang lalaking ito. Sigurado akong nakita ko na siya dati. Napatigil sila sa pag uusap ng makita ako sa may pinto.

"Son, aren't you enjoying the party?" Tanong sa akin ni dad.

"It's boring. Can I just stay here instead?" Tanong ko kay dad. Napatango naman siya at ngumiti sa akin.

"Oh by the way, Mr. Sakurakoji, this is my son, Lance. Lance, this is Mr. Takeshi Sakurakoji. A friend of mine." Pakilala sa amin ni dad sa kausap niya. Bahagya pa akong nagulat pero agad din akong nakabawi at nakipag kamay. Sabi ko na nga ba, pamilyar siya. Siya ang ama ni Takihiro. Pero magkaibigan sila ni dad?

"So this is your son? Biruin mo nga naman. I should have brought my son too. Naipakilala ko sana sayo." Nakangiting sabi sa akin ni Mr. Sakurakoji.

"It's okay sir. We already met." Magalang na sabi ko sa kanya. I wonder what would be his reaction if I told himhow we met. Well, it's worth a try.

"Really? How?" Nagtataakang tanong niya. Napangiti naman ako.

"I was at his engagement party with Kiyomiko Takeno." Nakingiting sagot ko sa kanya. Napansin kong medyo nagulat siya ng banggitin ko ang pnglan ni Miko pero agad din naman siyang nakabawi at ngumiti. Tss. He's the reason why Miko was hurt. I wonder why dad befriend a guy like this.

"Oh, you're a friend of Miss Takeno?" Interesadong tanong niya.

"Yes sir. She's the reason why your son and I get along. We love the same girl." Walang gatol na sagot ko sa kanya. Halatang nagpipigil siya ng inis pero nakangiti pa rin siya sa akin.

"Lance." Mariing tawag sa akin ni dad.

"Oh, I'm sorry for my attidude sir. If you don't mind, I will take my leave first. Pasensya na sa istorbo." Magalang na sabi ko sa kanya bago tuluyang umalis sa kwarto ni dad. Narinig ko pang humingi ng paumanhin si dad sa lalaking yun. Kaibigan? Sinong niloko nila? Hindi sila magkaibigan. It seems like my dad is taking the wrong path. Damn it!

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon