CHAPTER 82 - The Perfect Bait

86.5K 1.7K 192
                                    

CHAPTER 82 – The Perfect Bait

 

LANCE’s

 

“Kuya, sige na sama na ako.” Pamimilit sa akin ni Lacey. Nandito siya ngayon sa kwarto ko at pinipilit na isama ko sya pabalik sa Pilipinas. Nakarating kasi sa amin ang kaguluhang nangyari sa Arena at ang pagkamatay ni Jason. Malinaw na si Hitomi ang may gawa noon kaya naman nagdesisyon akong sumama sa pagbalik nila dahil nag aalala ako para kay Miko.

“Hindi nga pwede Lacey, delikado sa Pilipinas ngayon.” Pagtanggi ko sa kanya. Napasimangot naman si Lacey sa sagot ko. Alam kong nababagot na sya dito sa mansyon ni kuya pero habang hindi pa natatapos ang gulo, mas makakabuti para sa kanya ang manatili dito.

“Lacey, wag mo na kulitin yang kuya mo.” Nakangiting sabi ni kuya Lyndon na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko habang nakapamulsa pa.

“Pero kuya, wala naman kasi akong magawa dito. Ayaw niyo naman ako turuan pano lumaban. Wala akong pinagkakaabalahan.” Nakasimangot pa ding sagot ni Lacey kay kuya. Napailing nalang ako.

“But Lacey, you don’t need to fight. I don’t want you to be associated with violence.” Malambing na sagot din ni kuya kay Lacey.

“Im all done. Kuya, ikaw na bahala dyan ah. Alis na ko.” Paalam ko sa kanila ng matapos akong maghanda ng gamit ko. Sa main house ng Takehashi ako magpapalipas ng gabi para sabay sabay na kami sa paglipad pabalik sa Pilipinas.

Nang makarating na ako sa main house ng Takehashi ay naabutan kong naguusap sa may garden na madalas nilang tambayan sina kuya Kyohei at ate Raphie. Sabay pa silang napalingon sa gawi ko at bahagyang tumango bilang pagbati. Mukhang hindi maganda ang pag uusap nila dahil parehong may bahid ng inis ang ekspresyon ng mga mukha nila. Hinayaan ko nalang sila at tumuloy na sa bahay na tinutuluyan ng red nights.

“Ryuu, ligawan mo na si Aubrey para di ka multuhin ni Jason.” Narinig kong kantyaw ni Martin kay Ryuu habang papasok ako sa pinto. Mga loko talaga.

“Oo nga, patay na rin naman si Rina eh.” Gatong pa ni Kurt.

“Dinamay pa si Rina. Mga loko, hindi ako naniniwala sa multo multo na yan no! Tigilan nyo nga ako.” Pabulyaw na sigaw ni Ryuu. Hindi daw naniniwala samantalang dati una pa syang tumakbo nung minsang nag ayang pumasok sa lumang bahay si Kurt.

Napangisi nalang ako dahil sa may naisip akong gawin. Dahan dahan akong naglakad patungo sa may bintana at sinilip sila. Sakto at nakatalikod sa pwesto ko ngayon si Ryuu. Sumenyas ako kila Kurt na wag silang maingay at mukhang nakuha naman nila iyon.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon