CHAPTER 42 - 7th Phantom Member's Challenge

139K 2.2K 176
                                    

a/n: eto na ang update guys .. =)

Buti natapos ko to, haha sobrang antok na ko eh. pag pasensyahan niyo nalang kung may mga typo errors ..

sana magustuhan niyo ..

share ko lang guys, sa mga otaku diyan, try niyo panuodin Uta no Prince~sama. Sugoi!!! Ang gwapo lang ni Cecil~san .. =)

Before i forgot, let's all pray po pala para sa mga nasalanta ng bagyo at sa mga nawalan ng tirahan at mga mahal sa buhay .. a little time to pray wont hurt guys ..

~ScarsAreBlind~

========================================================

CHAPTER 42 – 7th Phantom Member's Challenge



RAVEN's


Nasa school na kami ngayon ni Kiyo at kasalukuyang nag hihintay sa susunod naming prof. Kakatapos lang kasi ng una naming klase.

Magkatabi si Kiyo at Ryuu pero parang hindi nila kilala ang isa't isa. Si Ryuu, nakikipag usap sa amin pero ni tumingin sa gawi ni Kiyo ay hindi niya ginagawa. Si Kiyo naman halata sa ekspresyon ng mukha nya na malungkot siya kahit pa ngumingiti siya sa amin at nakikipag usap.

Nagtataka na din sila Kurt at Martin pero sinabihan sila ni Kei na pabayaan nalang. Si Lance naman parang walang pakialam. Naka dukmo lang ang ulo sa desk niya at parang lumilipad ang utak.

Maya maya pa, biglang pumasok sa room namin ang daddy ni Ryuu which is the school director. Tumahimik ang buong klase.

"I came just to inform you guys that your former teacher is on leave and here with me is your new professor." Sabi ni director De Guzman kasunod naman ang pag pasok ng isang lalaki na naka semi formal at may salamin sa mata. I guess he's on his mid twenties.

Maririnig ang malakas na bulungan ng mga kaklase namin. Haay, panibagong sakit ng ulo na naman.

"Good morning class I'm Nanjiro Syuusuke. I'll take over from now on." Pakilala niya sa amin at bahagyang ngumiti.

"Okay, I'll be going now. Syuusuke sensei, I'll take my leave now." Sabi ni director De Guzman at lumakad na palabas pero bago pa man siya makalabas ng room ay huminto ulit siya at muling humarap sa amin.

"Before I forgot, Kiyo, drop by my office later. Your father sent you something." Pahabol na sabi ni director De Guzman bago tuluyan ng umalis.

Napatingin naman ang lahat kay Kiyo. She looks so shock. Bakit kaya? Pagtingin ko sa paligid nakita kong nakatingin din si Lance sa gawi ni Kiyo at may malungkot na ekspresyon sa mukha. Si Ryuu naman nakatingin din pero hindi mo mabasa ang nasa isip niya. What's with this people?  May nangyari bas a kanila na hindi ko alam?

Ibinaling ko na ang tingin ko sa harap at naabutan ko ang bagong prof na nakatingin din kay Kiyo at may kakaibang ngiti pero ng mapansin niya atang nakatingin ako ay biglang bumalik sa pagiging seryoso ang ekspresyon niya at bumaling sa iba ang tingin.

Damn it. Bakit pakiramdam ko maraming mangyayaring hindi maganda ngayong araw? I feel a little uneasy today.

Natapos na ang morning classes at sabay sabay na kaming papunta ngayon sa cafeteria pero ang akward parin ng atmosphere. Hindi pa din nag papansinan si Ryuu at Kiyo. Si Lance naman lutang pa din ang utak.

"Rave, daan pala muna ako sa office ni Oji~san. Sunod nalang ako." Paalam sa akin ni Kiyo. Bago pa ako makasagot ay tumakbo na siya palayo. Tsk. Pasaway na babae.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon