CHAPTER 57 - The Package, His Letter and She's Missing ... Again?!

117K 1.9K 279
                                    


CHAPTER 57 – The Package, His Letter and She's Missing ... Again?!



KYOMIKO's


"It's Seal's last gift for you."


Napaangat ang tingin ko kay Oji~san matapos niyang sabihin iyon. Naramdaman ko nalang na kinuha niya mula sa kamay ko ang salamin. Wala sa isip kong naiyukom ko ang mga kamay ko. This eye, his eye, this will be a constant reminder that I should avenge Hitomi.

Unti unti na namang nilalamon ng poot ang puso ko. I know the demon in me is starting to wake again. I already lost to it. Pero at the same time my sanity won over the monster in me. Magiging sagabal lang sa pag hihiganti ko kung hindi ko kayang makontrol ang demonyo sa loob ko. Besides, we are one.

"K-Kiyo, a-ayus ka lang ba?" Napatingin ako sa nagtanong. Si Kurt pala yun. Napangiti naman ako sa naging reaksyon niya. Parang sira talaga. Tama bang magtago sa likod ng kuya ko?

"Yeah, I've never felt this great before. Why are you hiding?" Nakangiting sagot ko sa kanya. I really feel great right now. I can feel this overflowing aura in me.

"Kasi nakakatakot yung mata mo Kiyo." Sagot ni Kurt habang naka tago pa din sa likod ni kuya Kyohei na halata namang naiirita na sa kanya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Nakakatakot ang mata ko?

"Tss. It's not really your eyes. They are beautiful. It's the way you looks that scares them." Paliwanag sa akin ni Kuya Kyohei habang tinatanggal ang kamay ni Kurt na nakakapit sa braso niya. Natawa naman ako sa itsura ni Kuya. Iritang irita kasi talaga siya.

"Hahahaha. There's nothing I can do about that." Natatawang sagot ko sa kanya. Halata namang naguguluhan sila sa inaasal ko pero wala naman akong magagawa.

"Waah!" Napatingin kami sa direksiyon ni Kei dahil sumigaw siya. Lalo naman akong natawa. Kasi naman, nagulat siya kasi tinalunan ata siya ni Karupi sa ulo.

"Karupi!" halos sabay na sigaw namin nila kuya Kisune, Nanjiro at ate Raphie. Bumaba naman sa ulo ng namumutlang si Kei si Karupi at tumakbo patungo sa akin.

"Karupi. Mommy missed you!" Sabi ko kay Karupi habang niyayakap siya. Isiniksik lang ni Karupi ang sarili niya sa katawan ko. Pakiramdam ko si Seal ag kayakap ko. Haay.

"My loves, may dala nga pala akong pagkain." Biglang sabi ni Mikage kaya napatingin ako sa kanya. Sakto gutom na ako.

"My loves ka diyan? Tss." Narinig kong sabi ni Nanjiro.

"Pakialam mo ba? Ingit ka lang mas gwapo kasi ako sayo." Sagot naman ni Mikage.

"Hah! Sinong nagsabi? Nanay mo?" Pang aasar ni Nanjiro. Jusko. Babagyo na ata sa kwarto ko.

"Si Master! Bakit may angal ka?" Confident na sagot naman ni Mikage. Napatingin naman ako kay Oji~san na mukhang makikisali pa ata sa kabaliwan nung dalawa.

"Asus nag hanap pa nang kakampi." Nakangising sabi ni Nanjiro.

"Wag ka na pumalag Nanjiro. Mana kaya sakin yan." sabi naman ni Oji~san. Sabi na nga ba.

"Madaya. May resbak!" Parang bata namang sabi ni Nanjiro. Napatingin ako sa paligid at napansing iisa lang ang reakyon naming lahat. Napapailing.

"Tss. Tatahimik kayo o babaon tong mga kunai ko sa leeg niyo?" Seryosong sabi ni Kuya Kyohei. Natigilan naman ang dalawa at napalunok ng ilang beses.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon