CHAPTER 9 - Ransu~kun

205K 4K 668
                                    

CHAPTER 9 – Ransu~kun


LANCE's


Gabi na ng umuwi kami galing sa unit nila Miko. Mga past nine siguro yun at magpasa hanggang ngayon ay hindi pa din ako makatulog. Tumingin ako sa wallclock na nasa kanan ko, eleven thirty na. Dapat tulog na ako ng gantong oras eh, pero dahil sa pag iisip ko sa babaeng yun, hanggang ngayon gising na gising pa ang diwa ko. 

Bakit ko ba sya naiisip? Dahil ba sa weird sya? Siguro? Dahil sa sinabi ni Ryuu na assassin ang kuya nya? Haay nakaka ewan na to ah. Pero kung pag iisipan kong mabuti, may posibilidad na assassin din si Miko. Well, if she is, that may answer SOME of my questions. Haay bahala na nga. 

Lumabas ako ng kwarto ko at tinungo ang sala, manonood nalang ako ng dvd. Matapos kong isalang ang dvd ng NCSI: Los Angeles Season 3, tinungo ko ang kusina at kumuha ng beer. Baka sakaling antukin na ako habang pinapanuod si G Callen at Sam Hannah.

Nakakadalawang episode na ako ng may marinig akong katok sa pinto. Agad akong napatayo at lumapit sa pinto. Sino naman kaya ang bibisita sa akin ng gantong oras? Dahil wala akong maisip na matinong tao na bibisita sa akin ng gantong oras eh hindi ko muna binuksan ang pinto. Mamaya nyan sira ulo to, diba?

Maya maya kumatok ulit. Kahit ayaw kong buksan yung pinto, pero dahil sa curious ako kung sino ba tong istorbong to eh dahan dahan kong binuksan yung pinto habang pinanatili ko yung distansya ko, para handa ako kung sakaling umatake yung nasa labas.

Pag bukas ko ng pinto, laking gulat ko ng makita ang babaeng to na namumutla at magulo ang buhok. Tapos yung suot nya, polo lang ata na malaki kaya hanggang tuhod nya yung haba at may mantsa pa ng dugo, malamang galing sa sugat nya. Nakapaa lang din sya.

"Ransu~kun!!!" sigaw nya sakin sabay yakap gamit ang kanang kamay nya. Sa ginawa nya, hindi ako agad nakakilos. Parang bigla akong kinabahan at nabato sa kinatatayuan ko. Natauhan lang ako ng magsalita sya ulit.

"Ransu~kun! Hoy! Para kang nakakita ng multo." Sabi nya sakin.

"Miko! Anong ginagawa mo dito? Oo para kang multo. Bat ganyan itsura mo? Tsaka anong Ransu? Lance ang pangalan ko." sabi ko sa kanya ng makabawi ako sa pagkagulat dahil sa pag yakap nya sakin. 

"Eh? Miko? Ang dami ko namang pangalan. Pero okay lang, cool, parang lalaki. Hahaha. Ransu kasi bigkas ng pangalan mo sa Japan kaya Ransu tawag ko sayo." Sabi nya tapos tumawa sya saglit. Di man lang sinagot naunang tanong ko.

"Ano nga ginagawa mo dito? Gabi na ah. Tsaka bat ganyan itsura mo? May nangyari ba? Asan si Jun? Halika nga pumasok ka muna." Tanong ko sa kanya habang inaaya siyang pumasok. Mahirap na baka may makakita sa kanya sabihin ni rape ko pa to.

"Eh kasi, pag gising ko, wala na si Seal, umalis na siguro, tapos wala pang pag kain. Nagugutom na ko! Kaya pumunta ako dito. May pagkain ka ba dyan? Nagugutom na talaga ako, sige na Ransu~kun." Kwento nya habang naka simangot pa. Napailing nalang ako.

"Sigh, may magagawa pa ba ako? Tara sa inyo, pag luluto nalang kita wala na kasi akong stocks dito eh. Tsaka mag bihis ka nga at mag suot na din ng sapin diyan sa paa mo." Sabi ko sa kanya habang pinapatay ko yung tv.

"Eh gutom na kasi talaga ako kaya nakalimutan ko na mag ayos." Sabi niya habang hinaantay ako sa may pinto. Kakaiba talaga, di man lang naisipang humarap sa salamin.

Pag dating namin sa unit niya, which is katapat lang ng unit ko, ay dumiretso na agad ako sa kitchen. Ano naman kaya iluluto ko? Matanong nga si Miko.

Tinungo ko ang pintuan ng kwarto nya at marahang kumatok.

"Miko? What do you want to eat?" tanong ko sa tapat ng pinto nya.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon