CHAPTER 39 - Saving and Loosing

132K 2.2K 458
                                    

 a/n: guys, eto na po ang update. Hope you liked it.

pasensya na sa maraming typos di ko na binasa ulit dahil antok na ako, sikat na raw eh, kailangan ng matulog ng bampira.

Dokushowo tonoshimu mina~san.

~ScarsAreBlind~

=====================================================

CHAPTER 39 – Saving and Loosing


KIYOMIKO's


Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng bulungan sa paligid ko. Hindi muna ako dumilat at pinakiramdaman ang paligid hanggang sa unti unting luminaw ang mga boses na naririnig ko.

"Wag ka nga maingay dyan Kurt, baka magising sila."

"Ikaw nga maingay dyan eh."

"Ikaw kaya. Tss. Ano napicturan mo ba?"

"Oo. Hahaha, ano kaya ginawa ng dalawang to kagabi? Daming nainom eh."

"Mga gago. Gisingin nyo na may lakad tayo eh."

Dahil sa naiirita na ako sa ingay nila ay minulat ko na ang mga mata ko at halatang nagulat sila sa pagising ko.

"Morning Kiyo. Kayo ah." Bati agad sa akin ni Kurt habang nakangiti ng nakakaloko matapos makabawi mula sa pagkagulat.

Siraulo talaga tong lalaking to. Marahan akong bumangon sa pag kakahiga sa sofa. Dito na pala ako nakatulog. Napansin ko agad si Raven na nakaupo habang nakapikit. Hala, ganyan ang posisyon nya matulog? Nakakahiya naman, nakapatong kasi sa hita nya yung dalawang paa ko eh.

Inialis ko na ang mga paa ko sa hita nya at umayos ng upo. Nakarami pala kami ng inom kagabi. Napatingin ulit ako kay Raven at marahan syang ginising.

"Rave, gising na huy!" bahagya ko syang inalog at mabilis naman syang nagising. Namumula pa nga ang mata at halatang hindi sya masyadong nakatulog.

"Salamat sa beer ah. Hehehe, una na ako sa inyo. Bye." Nakangiting paalam ko sa kanya at tumayo na. Palabas na sana ako sa pinto ng harangin ako ni Kurt at Martin kaya napatigil ako.

"Kaw Kiyo ah, ano ginawa mo kay Raven?" naka ngising tanong ni Kurt. Gagong to! Anong kala nya sa akin? Dahil sa badtrip ako dahil kakagising ko lang di na ako sumagot. Nilapitan ko sya at mabilis na sinuntok sa simukra kaya napabaluktot sya sa sakit. Tinawanan naman sya ni Martin.

"Hahaha. Masakit dude?" nang aasar na tanong ni Martin kaya nilapitan ko din sya at tinuhod naman ang tyan nya kaya napabaluktot din sya sa sakit. Buti nga sa inyo.

Iniwan ko na sila doon at lumabas na ako sa unit ni Raven na napuno ng tawanan dahil sa nangyari sa dalawa. Mga baliw talaga. Dumiretso na ako sa unit ko pero napahinto muna ako saglit sa may pinto at nilingon ang pintuan ng unit ni Lance. Bakit hindi ako mapalagay?

Haay, hayaan na nga. Pumasok na ako sa bahay ko at nasalubong si Mikage na nakatayo sa harap ng pinto.

"Saan ka natulog?" tanong nya sa akin. Oo nga pala, hindi ako nag paalam. Baka nag alala sa akin tong lokong to.

"Kila Raven. Uminom kasi kami kagabi tapos ayun dun na ako nakatulog." Paliwanag ko sa kanya. Tumango naman sya kaya lumakad na ako papunta sakwarto ko at nag ayos ng sarili. Kailnagan ko na mag handa, ngayon ko na maliligtas si Seal mula kay Hitomi.

Lumabas na ako at dumiretso sa kusina para kumain. Naabutan ko si Mikage na nakapwesto na sa harap ng mesa at may pag kain ng nakahain. Sa harapan nya ay nakalapag ang isang folder. Mukhang alam ko na ang pag uusapan namin ah. Sino naman kaya ang bago kong target?

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon