CHAPTER 52 - Kimochi to Sobetsu kai

140K 2K 381
                                    

a/n: as promised ito na po ang update .. =)

dedicated kay miss Anya dahil siya lang ata ang nakakuha ng sagot sa code about sa spy .. =)

GUys, paki basa na din po nung one shot ko. Nasa external link po siya .. Thanks ..=)

~ScarsAreBlind~

==========================================================

CHAPTER 52 – Kimochi to Sobetsu kai


KYOHEI's



"How's your assignment?"

"Everything is in order. Nasabihan ko na ang lahat. Alam na nila ang gagawin sa mismong event." Sagot sa akin ni Yuji. We need to polish everything bago ang operation namin bukas ng gabi. Hindi kasi maganda ang kutob ko sa maaaring mangyari.

"Good to hear that. Kailangang maging maayos ang lahat bukas. Failure is never an option for tomorrow's operation. Hindi lang si Chameleon ang dapat nating bantayan bukas. Malalaking tao mula sa iba't ibang Famiglia ang dadalo bukas." Paalala ko sa kanila. Kinakabahan kasi talaga ko. Parang may hindi magandang mangyayari. Kailangang mas doblehin ang pag iingat.

"Before I forgot, tell Seal na pinapatawag siya ni Master." Pahabol na utos ko kay Yuji bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Ilang minuto lang matapos lumabas ni Yuji ay si Hideoshi naman ang pumasok.

"Kuya, you need to see this." Diretsong sabi niya sa akin matapos makalapit sa kinaroroonan ko at iniabot sa akin ang tablet na hawak niya. Nagulat naman ako sa nakita ko. Damn. This is going to be more complicated. Bakit ba ngayon lang namin to nalaman?

"Bakit ngayon mo lang sinabi to?" Kalmadong tanong k okay Hideoshi.

"Walang pinapakilalang pamilya ang Chameleon kahit sa mga legal businesses niya. Kahit ang asawa niya, hindi ginagamit ang apelyido niya. Kanina ko lang nalaman ng ilista niya ang anak niya as companion. Noong una, hindi ko pa nalaman ang relasyon dahil sa lalim ng backstopping na ginawa niya. Nalaman ko lang na mag ama sila ng ibackground check ko ang kapatid niya." Mahabang paliwanag ni Hideoshi. Hindi maipagkakailang mahusay talaga ang Chameleon pero malas niya dahil mas mahusay ang Intel namin.

LANCE's (See Photo)

Gaya ng napag usapan, sabay sabay kami nila sir Nanjiro pumasok sa school. Marami nga ang nagtaka sa mga nakakita sa aming dumating dahil kasama namin ang professor na to. Kabago bago palang dito sa school sikat na agad. Tsk. Pasalamat siya at may tiwala ako kay kuya Kyohei dahil kung nagkataon, hindi ko rin pagkakatiwalaan ang professor na to.

Oo nga pala, kailangang masabi ko na kay Miko ang nararamdaman ko bago pa man ako umalis ng Red Night. Alam kong magagalit sa akin sila Ryuu pero kailangan kong gawin to.

"Hoy Lance! Lalim ng iniisip ah?" Sabi sa akin ni Kurt matapos akong sabayan sa paglalakad at umakbay sa balikat ko.

"Hayaan mo yan Kurt, nagluluksa pa ang puso niyan dahil nakatali na sa iba si Kiyo! Hahaha." Sabat naman ni Martin. Takteng to. Pinaalala pa. Sinimangutan ko lang sila.

"Tang'na, oo nga! Hahaha kaw kasi Lance eh ang bagal mo." Asar pa sa akin ulit ni Kurt.

"Lul! Tigilan niyo nga ko." Nakasimangot na sabi ko sa kanila. Badtrip lang. Kaibigan ko ba talaga tong mga to?

"Hahaha, eh kahit naman matagal ng umamin yan si bespren eh di pa rin ubra! Wala namang choice si Yomi eh." Kantyaw pa ni Ryuu.

"Tss. Bwisit. Diyan na nga kayo." Sabi ko saknila sabay mabilis ng naglakad palayo sa kanila. May chance pa kaya ako. Kala nila ah. Di pa naman sila kasal nung hambog naming professor eh. Tsk.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon