CHAPTER 27 - The Favor

144K 2.5K 348
                                    

a/n: mga kapatid .. may updte na ulit .. yehey!

Jansen's woke-up-like-this photo lol XD

~ScarsAreBlind~

CHAPTER 27 – The Favor



JANSEN's


"Jansen? Anong ginagawa mo na naman dito?" Tanong sa akin ni Gio ng makita nya akong pababa ng hagdan.

"May dinalaw lang." maikling sagot ko. Pinuntahan ko kasi kanina si Seraphiel kaya lang hindi naman ako nakalapit dahil sa bantay sarado sya ng apat nyang guardians. Sayang lang ang pag punta ko.

"Naghahanap ka talaga ng gulo ano? Wag mong sabihin na pati yung pagtulong mo kay Kiyomi ay may kinalaman pa din sa tagapagmana ng Takehashi Clan?" Naiinis na tanong sa akin ni Gio. Sa totoo lang, may iba akong plano sa babaeng yun.

"Kahit na pwedeng pwede kong gawin yun, hindi ko pa din gagawin. Syempre naman, kaibigan kita at pinsan ko naman si Takihiro. Alam kong pareho kayong may nararamdaman para sa babaeng yun." Sabi ko sa kanya. Natuwa naman ako sa naging reaksyon nya.

"Tss. Wala talagang nakakalampas sayo eh no? Lahat alam mo eh. Nga pala, diba sabi mo hindi pa talaga magaling si Kiyomi?"

"Oo, bakit mo naman natanong?"

"Nakita ko kasi syang pumasok kanina." Pagkasabi noon ni Gio ay agad na akong na paalam sa kanya. Mahanap nga yung babaeng yun. Pasaway talaga. Bakit ba dami nag kakagusto dun eh mas okay naman si Seraphiel sa kanya.

Kakahanap ko, napadpad ako sa may parking lot. Nakita kong may apat na nakamaskarang kanina pa sya sinusundan. Teka, kilala ko yung mga yun ah? Kung hindi ako nag kakamali sila ang Dark Angels. Rank 5 gang ng District 4.

Pinalibutan nila si Kiyo at sabay sabay na nag bato ng patalim. Ano pa nga bang aasahan ko sa isang assassin? Hahaha, madali lang para sa kanya na iwasan ang mga patalim na yun. Pero teka hindi pa nga magaling tong pasaway na babae na to eh, baka mabinat pa, matulungan na nga.

Susugod na sana ulit yung apat pero agad akong inilabas ang mascara ko at sinuot yun sabay talon papunta sa harap ni Kiyo.

"Do you want your ranking to drop down?" Sigaw ko sa kanila. Malamang nakilala nila ang mascara ko kaya agad silang nag sialisan. Tss. Ano kayang kaylangan nung mga yun sa babaeng to? Dami namang kaaway.

Humarap na ako kay Kiyo at pinitik ang noo nya. Napahawak sya sa noo nya at sinagawan ako.

"Sino ka ba huh?" Sigaw nya sakin. Kaya tinanggal ko na yung mascara ko. Nakita ko namang nagulat sya. Adik lang.

"Tsk. Tigas ng ulo. You're not fully healed bakit pumasok ka na?" Sabi ko sa kanya.

"Tss. Kaya ko naman sarili ko." Sagot nya sakin. Napatitig ako sa mukha nya at napansing medyo namumula sya. Wag mong sabihing may lagnat na sya? Ang bilis naman. Dapat bukas o sa makalawa pa magrereact ng ganto ang katawan nya. Masyado ko ata syang minamaliit ah. Mukhang mas malakas sya kaysa sa inaasahan ko.

Hinawakan ko ang noo nya na ikinagulat naman nya kaya lumayo sya agad.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong nya sakin.

"Wag ka nga maingay dyan. Lumapit ka dito may lagnat ka na ata eh. Tigas kasi ng ulo." Sabi ko sa kanya sabay hatak sa kamay nya para lumapit sya ng konti. Hinawakan ko ang noo nya at hindi nga ako nag kamali may lagnat na nga sya.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon