CHAPTER 60 - The Night the Crow Deiti Cries Blood

118K 1.9K 329
                                    

a/n: Short update lang guys .. pagdamutan niyo na sana ..

~ScarsAreBlind~

=======================================================

CHAPTER 60 – The Night the Crow Deiti Cries Blood

 

 

KIYOMIKO’s

 

 

“Hindi man ikaw ang prayoridad, importante ka pa din.” Nakangising sabi niya sa akin. Napakurap pa ako ng ilang beses. Takte. Namamalikmata ba ako? Did he just smile?!  

“Tss. Tara na nga. Para kang tanga diyan.” Nabalik lang ako sa sarili ko ng sabihin niya yan at bigla akong hilain patayo.

“Ito naman, ang init ng ulo. Meron ka ba ngayon?” Biro ko sa kanya. Bumaling naman siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Psh. Sungit talaga ng lider ng mga kulto na to.

“Tss. Bilisan mo. Uuwi na tayo.” Sabi niya pa sabay hila sa akin papunta sa kotse ko. Tama, kotse ang gamit niya. Kapal nga ng mukha eh, matapos ibigay sa akin, siya pa din gagamit.

“Teka lang, pano sila Nanjiro?” Pigil ko sa kanya.

“Pauwi na din yun. Bilisan mo nga. Nandito si Hitomi kaya wag kang makulit.” Inis na sabi niya sa akin at pwersahan na akong hinila papunta sa kotse. Hinayaan ko nalang siya.

Nang makarating na kami sa condo niya, ilang sandali lang din ay dumating sila Nanjiro. Naupo ako sa sala at sumunod naman sila ng upo doon. Pakiramdam ko kasi may pag uusapan kami eh.

“Kiyo, kinausap ako ni Raven kanina.” Basag ni Jansen sa katahimikan. Napatingin naman ako sa kaya. Hindi na ako nag react at hinantay nalang na magpatuloy siya sa pag sasalita. Mamaya niyan mabara na naman niya ako pag nag salita ako.

“Sabi niya, two days from now, lilipad sila. Siya lang daw ang maiiwan dito sa Pilipinas.” Di ko maiwasang hindi malungkot. Aalis silang lahat. Tama lang siguro iyon, magiging ligtas sila doon. Hindi sila magagalaw ni Hitomi hanggat nasa poder sila ni Kuya.

“Nasa kanya daw yung pusa mo kaya wag kang mag alala.” Dugtong niya pa ulit. Tss. Paputol putol naman. Bwisit pasuspense talaga tong lalaking to. Sa totoo lang, mas lalo akong nalungkot. Pero ayus na din yun para may mag alaga kay Karupi. Babawiin ko nalang siya pag tapos na ang lahat. Ibinalik ko nalang ang tingin k okay Jansen.

“Pwede ba, wag nang pasuspense?” Inis na tanong ko sa kanya. Inirapan niya lang ako bago nagpatuloy sa pag sasalita.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon