CHAPTER 11 – new friends
RAVEN's
Matapos maipakilala sa amin ang mga Emperors na parang wala namang silbi dahil may mga takip ang mukha nila ay nagsalita lang sila ng kaunti at pinaalis na rin kami. Pakiramdam ko nasayang lang yung oras ko. Sa kasalukuyan, nandito kami sa parking lot sa labas ng arena at hinihintay lang si Lance at Ryuu, nahuli kasi sila ng labas.
"Oh ayan na pala si Lance eh." biglang sabi ni Martin habang nakatingin sa backdoor ng arena. Napalingon naman kaming tatlo doon at nakita si Lance na mag isang patungo sa pwesto namin.
"Nasan si Ryuu?" Agad na tanong ko kay Lance ng makalapit sya samin.
"Pinaiwan lahat ng rank 1 may pag uusapan pa daw sila. Mauna na daw tayo sabi ni Ryuu." Sagot ni Lance at agad ng tinungo ang kanya kanya naming saakyan.
Nang makarating kami sa condo ay dumiretso na kami sa kanya kanya naming mga unit. Parang lahat kami, tamad na tamad ngayong araw. Sana maging okay na agad si Kiyo, nakakamiss talaga yung weirdong babaeng yun.
KIYOMIKO's
It's been a week since nag pahatid ako dito sa bahay nila ate Raphie para magpagaling. Well, actually, pwede naman akong sa bahay ko nalang mag pagaling, kaya lang kasi nahihiya ako kay Lance. Nakita nya kasi akong umiyak, at kinahihiya ko yun. Tsaka, ayokong istorbohin pa sila Ryuu, kasi panigurado araw araw yun pupunta sa bahay. Pero dahil sa magaling na ako, salamat sa Takehasi Technologies at mabilis akong gumaling, papasok na ulit ako sa school at babalik na sa bahay ko.
"Kiyo baby, sabay ka na sakin pumasok, wala dito sasakyan mo diba?" si ate Raphie yan. ewan ko ba bakit may baby pa.
"Hai, nee~chan." (Yes, elder sister) sagot ko at sumunod na sa kanya sa sasakyan ni Light. Kay Light kasi lagi nasabay si Ate Raphie pag pasok eh.
Nang makarating na kami sa school, nag paalam na ako agad sa kanila. Hahanapin ko nalang muna sila Ryuu. Habang nag lalakad ako sa grounds, pansin kong pinagtitinginan na naman ako.Maayos naman damit ko, nakasimpleng vintage tshirt lang ako then straight cut faded jeans na nakapaloob yung ilalim sa high-cut boots ko. Desente naman ako tignan eh, ano na naman kaya problema ng mga tao dito? Psh. Panira ng araw.
Dumiretso ako sa canteen, baka kasi nandun sila eh. pag pasok ko, pag minamalas nga naman, hinarang ako ni Aubrey the bitch.
"Oh! The slut is back!" bati sakin ni Aubrey. Kung pagbati bang matatawag yun. Nako, kung pwede lang talagang patulan tong isang to eh.
"Talking about yourself again?" nakangising sabi ko sa kanya na mas lalong ikinapangit ng mukha nya. Hahaha, I'm so mean talaga.
"Ang kapal talaga ng babaeng to! Hindi mo kilala kinakalaban mo!" Sigaw sakin nung alalay ni Aubrey.
"Sorry, not interested." Maikling sagot ko. Haha, sarap asarin ng mga to. Pikon.
"Hindi mo ba alam na sya lang naman ang kapatid ni Sky. Ang gang leader ng Elixir!" sigaw ulit sakin nung isa pang alalay ni Aubrey.
"Honto ni? Naruhodo, well, if you don't mind ladies, may hinahanap pa kasi ako eh." (Really? So that's it,) sabi ko at nilagpasan na sila. Nasa may bandang entrance lang kasi kami ng canteen eh. Nang makalampas na ako sa kanila, bigla akong hinawakan sa braso ni Aubrey kaya napahinto ako.
"Let go or you'll regret it." Mariing sabi ko sa kanya pero nginisian nya lang ako.
"Oh I'm scared." Sarkastikong sabi ni Aubrey at nagtawanan naman yung mga taong nakarinig sa sinabi nya. Ginagalit talaga ko ng babaeng to eh.
BINABASA MO ANG
WMAMTG (Unedited)
ActionWHEN MISS ASSASSIN MEETS THE GANGSTERS PUBLISHED UNDER CLOAK POPFICTION I came from a clan of assassins who pledged loyalty to the Takehashi Clan. I am slowly gaining fame for my skills ... But because I almost fail from my last mission ... They ga...