CHAPTER 20 - Gone ...

152K 2.9K 225
                                    

a/n: update ulit .. magdiwang tayo! yehey! hahaha lakas ng sapak ko ngayon nakadami ng kape eh ..

anyways sana po ma enjoy nyo. Short update lang muna ...

Mahuhulaan nyo ba kung sino ang tumulong kay Kiyo?

Share ko lang guys, grabe bow down hands up na talaga ako kay miss alessana_marie ... kakabasa ko lang kasi kanina nung reicarnation of lucifer at ang masasabi ko? just the right mix of facts and fiction ...

ayun basahin nyo kung gusto nyo pero i warn you guys, for open minded only yung story na yun.

Gusto ko na tuloy i publish yung isa kong story about criminal minds.

~ScarsAreBlind~

===========================================================

CHAPTER 20 – Gone …

MIKAGE’s

 

Pauwi na ako galing Oakwood University, sakay ako ng aking sasakyan at hanggang ngayon iniisip ko pa din ang mga sinabi saakin ni master. Medyo Naguguluhan parin kasi ako eh.

Hindi ko pa din lubos maisip kung anong koneksyon ng isang Sakurakoji kay Kiyo. Isang Sakurakoji na sa pag kakaalam ko ay pamilya din ng mga assassin na kabilang sa Kashushima Clan na mahigpit na kakumpetensya ng Takehashi Clan.

Teka, maalala ko nga pala, hindi ba’t engagement party ng Sakurakoji ang pinuntahan naming party nung nakaraan? Ibig bang sabihin noon may koneksyon talaga si Kiyo sa mga Sakurakoji? Sabagay, mismong si Takihiro Sakurakoji ang nag imbita kay Kiyo doon. Pero kung may koneksyon sila bakit nasabi ni master na hindi tutulungan ng taong konektado kay Sakurakoji si Kiyo? Argg. Ang gulo! Sa tingin ko kailangan ko munang mag imbistiga tungkol doon, kung ano ba talaga ang relasyon ni Kiyo sa kalabang angkan at bakit sya inimbita ng mga iyon sa party at sa kung papaanong paraan nila matutulungan si Kiyo.

Nag madali na akong umuwi ng condo ko dahil iniwan kong mag isa si Kiyo doon. Tsaka para masimulan ko na din agad ang pag iimbistiga. Bukod doon, gutom na din ako.

Pagkadating ko sa building kung nasaan ang condo ko ay agad akong nag park sa basement at mabilisang tinungo ang elevator at pinidot ang katumbas na floor kung nasaan ang unit ko. Bakit ba parang may kutob ako? Hindi naman siguro gumawa ng kalokohan si Kiyo habang wala ako diba?

Pagtapat ko sa pinto ng unit ko ay agad kong pinihit ang seradura, inaasahan kong naka lock iyon pero mali ako, hindi naka lock ang pinto. Agad akong pumasok at hinanap si Kiyo. Bigla akong kinabahan. Wala ni bakas ng anino nya. Saan ka na naman nag punta Kiyo?

Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng pantaloon ko at dali daling tinawagan si master. Baka kasi sumunod sya sa akin kanina sa school.

“Master. Pumunta ba dyan si Kiyo?” nag aalalang tanong ko kay Master

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon