CHAPTER 62 - Gangster King

114K 1.8K 241
                                    

a/n: guys sorry kung natagalan ..


~ScarsAreBlind~

=========================================================

CHAPTER 62 – Gangster King



NANJIRO's


"HK Underground?" Ulit ko sa sinabi niya.

"HK Underground ang tawag sa organization dito sa Hong Kong ng mga gangsters. Unlike sa Pilipinas, walang emperors dito. Gangster King lang ang meron. Siya ang namumuno sa lahat ng gangsters dito. Walang councils at district leaders dahil hindi nahahati sa districts ang HK Underground. Ang tanging meron dito bukod sa Gangster King ay Underground Knights. Sila ang apat na pinaka malalakas na gangster sa Hong Kong. Meron pa din namang rankings dito katulad sa Pilipinas." Mahabang paliwanag niya.

"Eh ano namang kinalaman ng HK Underground sa Anton na yun?" Tanong ko sa kanya.

"Matapos mong sabihin sa akin kanina yung pangalan ng hinahanap niyo, agad akong nag run ng search sa system ko and luckily I've got a hit. Anton Qi Fei is HK Underground's Gangster King." Nakangiti niyang sabi sa akin. Now I get it. Kung siya ang Gangster King, madali nalang namin siya mahahanap pero ang tanong, madali ba namin siyang makakausap?

"Nanjiro, labas lang ako saglit ah!" Sabay kaming napatingin ni Hayato sa biglang nagsalita. Gising na pala siya.

"Saan ka pupunta? Gusto mo bang samahan kita?" Tanong ko kay Kiyo na nakatayo sa likudan namin. Mukhang balik na naman siya sa normal.

"Wag na, di naman ako mag tatagal. Magpapahangin lang ako sa labas." Nakangiti niyang tanggi sa akin. Papayagan ko ba? Paano kung may biglang umatake sa kanya?

"Wag kang mag alala. Diyan lang ako sa malapit mag lalakad lakad." Sabi niya pa ulit. Siguro napansin niyang nag aalangan ako.

"Sige. Mag iingat ka ah? Wag ka masyadong lalayo, hindi ka pa pamilyar sa lugar." Bilin ko sa kanya.

"Opo. Hahaha. Oh siya, alis na ako. Bye guys." Natatawang paalam niya sa amin. Napailing nalang ako. Parang kanina lang nag wawala siya.

"Wag kang mag alala. Kaya niya sarili niya." Nakangiting sabi sa akin ni Hayato. Sabagay. Mukhang mas malakas pa nga ata sa akin yun si Kiyo eh.

KIYOMIKO's


Matapos kong magpaalam sa dalawa na mukhang seryoso ang pinag uusapan ay lumabas na ako agad. Hindi ko na muna gagamitin ang kotse ko. Gusto kong maglakad lakad para narin makapag isip isip ako. Masyadong marami ang gumugulo sa utak ko ngayon.

Hindi ko alam kung ano ang uunhin ko. Nung nakaraan desidido akong hanapin muna si Anton Qi Fei pero matapos ang nangyari kanina, para bang gusto ko nang patayin ngayon din si Hitomi. Sa sobrang asar ko, napagbuntungan ko ng galit ang isang si kalakihang bato. Wala sa loob kong nasipa ko iyon.

"Ouch! What the? Who did that?!" Natigilan ako ng marinig ko ang sigaw na iyon. Damn. May tinamaan ako? Pag minamalas nga naman oh.

Tumalikod nalang ako at akmang lalakad na paalis ng may biglang sumigaw na naman.

"Where do you think you're going, ugly bitch?" sigaw ng isang lalaki mula sa likudan ko. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Tinawag ba niya akong ugly bitch?! Agad akong humarap sa kanya. Lalong napataas ang kilay ko sa nakita ko. Isang medyo may edad na lalaki na napapalibutan ng napakaraming men in black with maching tactical hand guns na nakatutok sa direksiyon ko. Seriously? Dahil lang sa natamaan siya ng bato, papabaril na niya ako?

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon