CHAPTER 10 - the Organization

214K 3.9K 610
                                        

CHAPTER 10 – the Organization


LANCE's


Matapos kong hugasan yung pinagkainan namin, dumiretso agad ako sa sala. Nakita ko si Miko na nakatitig sa tv. Nanatili ako sa likod nya, pinapanuod nya yung news flash report?

"We are now witnessing the live coverage of the so called 'Engagement of the Year'. This is the star studded engagement party of Mr. Takihiro Sakurakoji and his soon-to-be wife Ms. Rein Emily Meyers here at Sakurakoji Hotel, Tokyo, Japan." Masiglang balita ng reporter. Natuloy pala ang engagement ng ate ni Raven. Kilala kaya yan ni Miko? Well siguro, taga Japan sya eh. Napatingin naman ako kay Miko napansin kong parang nanlulumo sya. Bakit kaya? Lalapitan ko na sana sya ng bigla syang magsalita.

"BAKA!! Watashi wa eikyo shitemasen!!" Eh? Baka? Diba cuss yun? Kailangan ko na ata mag aral mag hapon. Di ko kasi maintindihan pinagsasasabi nito minsan eh.

Lumapit na ako sa kanya at naupo sa tabi nya. Nagulat ako dahil may tumulo na luha sa mata nya. With that, inagaw ko sa kanya yung remote at pinatay yung tv. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, pero feeling ko, kailangan. Tinignan ko sya pero nakatutok pa din yung tingin nya sa tv kahit pinatay ko na yun.

"It's been two fucking years!! Why are you still hunting me Takihiro?" She's crying. I don't know why but it pains me seing her like that.

"Nung bata pa kami, everytime we cry, niyayakap lang kami ni mom tapos tumatahan na kami. Er, it's corny but we called that magic hug, coz it's like magic, we calmed down everytime mom hugs us. Do you want some magic hug?" I don't know how to comfort her. I hope this can help. Ang corny pero wala akong maisip na paraan para ma comfort sya.

Without saying a single word, she hugs me. She burry her face in my chest and cry her lungs out. Tahimik lang ako. Ayoko muna magsalita. Hinayaan ko lang sya umiyak ng umiyak. Ramdam kong basa na yung shirt ko pero okay lang. I just brush her long reddish hair. Maya maya pa, hikbi nalang yung naririnig ko. Pahina ng pahina hanggang sa tumigil na sya. Hinayaan ko lang sya. Sinilip ko yung mukha nya at napansin kong nakatulog na pala sya kakaiyak. Inayos ko yung sandal nya sa dibdib ko at inalis yung ibang buhok na nakaharang sa maganda nyang mukha. Marahan kong pinunasan yung natirang luha sa pisngi nya.

"If I were him, I won't let you cry like this." Nasabi ko nalang sa sarili ko. Bakit ba pati ako apektado sa pag iyak mo?

Sa kakaisip ko, hindi ko namalayan na pati ako, nakatulog na din.

Nagising ako sa marahang pagpik sakin. pag dilat ko, nakita ko si Jun na nasa gilid ko. Napabangon ako bigla. Dito pala ako sa sala nila Miko nakatulog. Tumingin ako sapaligid at hinanap sa paligid si Miko. Ayos na kaya sya?

"Kung hinahanap mo si Kiyo, wala sya. Nagpahatid kila Kyohei sempai. Nga pala, pinapabigay nya." sabi sakin ni Jun sabay abot ng isang papel. Kinuha ko iyon at pagbuklat ko, sulat pala.

Ransu,


Salamat kagabi ah. Ang sarap mo magluto. Pagluto mo ulit ako pagbalik ko ah. Marunong ka ba mag sinigang o adobo? Paborito ko yun eh. Salamat talaga sayo.


Pasensya ka na pala kung nakita mo pa akong mag drama. Secret lang natin yun ah. Sana nakatulog ka ng ayos.


Dito muna ako kila kuya, magpapagaling. Babalik ako pag okay na ako. Pasabi nalang kila Ryuu.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon