CHAPTER 76 - Limitation

92.7K 1.7K 165
                                    

a/n: i missed replying to your messages guys ..

Miss biyo ba ako? Hahaha .. lols.

~ScarsAreBlind~

==========================================================

CHAPTER 76 – Limitation


LANCE's


It's been a week mula ng sumugod kami sa main house ng Yaban Jin. Sa loob ng isang lingo na iyon, wala na naman kaming nabalitaang pag atake mula sa Yaban Jin. Mukhang nagpapalakas pa si Hitomi bago muling susugod.

Napag alaman din naming patay na si Takihiro. It's shocking and sad. Also, I am scared for what will Miko do now that Takihiro is dead. I know Take is important to her and I am afraid that she will do something dangerous again.

"Lance, wala ka pa din bang balita kay Yomi?" Tanong sa akin ni Ryuu. Nandito kasi kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa main house ng mga Takehashi. Kumpleto kaming Red Night ngayon dahil magaling na din si Raven.

"Wala pa eh. Hindi rin naman ako makahingi ng tulong kay Kuya kasi madalas siyang wala sa bahay nitong mga nakaraang araw." Sagot ko sa kanya.

"Sa tingin niyo ayos lang siya?" Tanong naman ni Kei. Napabuntong hininga nalang ako sa tanong niya. Hindi ko din kasi alam kung ano ba ang dapat isagot.

"Tanungin kaya natin si Jansen?" Napatingin naman kami kay Ravaen dahil sa suhestyon niya.

"Bakit naman kay Jansen?" Nakakunot noong tanong ni Kurt.

"Kasi diba, minsan ng humingi ng tulong sa kanya yung babaeng yun? Baka naman may alam siya." Kalmadong sagot ni Raven matapos humigop ng kape.

"Posible nga pero kakamatay lang ni Takihiro, sa tingin niyo ba, tutulungan niya si Kiyo?" Sabat naman ni Martin. Natahimik kaming lahat at tila mga napapaisip din. Maaari ngang humingi ng tulong si Miko sa kanya pero ngayong kamamatay lang ni Take, parang malabo na ata, isa pa, magkalaban pa rin ang mga angkan nila.

"Eh si Nanjiro kaya?" Suhesyon naman ni Kurt.

"Base sa pag kakarinig ko, papunta ngayon dito sa Japan si Nanjiro at Mikage. Sabi pa ni kuya Kyohei, galit daw si Yomi kay Nanjiro dahil sa fiancé issue nila. Biruin mong hindi niya pala talaga fiancé si Nanjiro? May chance ka pa Lance!" Nang aasar na sabi ni Ryuu. Tsk. Matagal ko ng alam na may chance ako kahit pa fiancé niya talaga si Nanjiro.

"Tsk. Magseryoso ka nga!" Inis na sita ko kay Ryuu.

"Eto, seryosong tanong Lance, may lead ka na ba sa dagger of fate?" Seryosong tanong sa akin ni Ryuu. Napasandig nalang ako sa inuupuan ko.

"Wala pa nga eh. Hindi ko kasi magets yung huling sinabi ni dad." Diskumpyadong sagot ko sa kanila.

"Ano bang sabi sayo?" Nakakunot noong tanong ni Kei na pinaglalaruan yung marshmallows sa ibabaw ng hot choco niya.

"Someday, the dagger itself will find it's ways to its keeper, but for now, my memory will keep it away from the evils. Yan ang eksaktong sinabi ni dad." Sabi ko sa kanila. Katahimikan na naman.

"Hindi kaya nakatago ang dagger sa lugar o bagay na magpapaalala sa dad mo? Like museum or gallery since, sikat siyang art thief?" Napatingin kaming lahat ng magsalita si Raven. Sa totoo lang naisip ko na din yan pero hindi ko naman alam kung saan mag sisimula. Magsasalita na sana ako ng may biglang humablot ng kwelyo ni Raven.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon