Nakasakay na ako ng jeep papunta sa Madrid Mall. Nakatingin lang ako sa may bintana ng mapahigpit ako ng pagkakahawak sa bagpack ko na nakapapatong sa may lap ko.
Paano kasi papalapit ako ng papalapit sa Madrid Mall, papalakas ng papalakas naman yung kabog dito sa dibdib ko huhu !
Pagbaba ko ng jeep, natulala ako sa nakita ko, di na ako nakaalis sa kinatatayuan ko at yung malakas na kabog lang sa dibdib ko yung tanging naririnig ko.
Nakita ko siya nakatayo doon sa labas ng mall, nakangiti siya sa akin at naka AOT jacket habang nakasuot yung hood tapos naka mask at lens.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, ganun din naman siya sa akin.
"Bakit ka nandito ?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa kanya at pabalik-balik na tumitingin sa paligid.
"I said I will wait for you right ?" nakangiting sabi niya.
"Alam ko pero diba dapat doon na lang sa may fire exit ? Baka makita ka ng mga tao dito" sabi ko.
"Don't care" nakangiting sabi niya.
"Loko-loko ka talaga !" sabi ko sabay hampas sa braso niya kaya nagulat naman siya.
"What was that for ?" Natatawang sabi niya.
"Eh baliw ka na eh ! Gusto mo bang magtrend ka na naman !" nakakunot noong sabi ko.
"Nah ! Shut-up ! Sinundo na nga kita eh !" nakakunot noo ring sabi niya.
"Kahit na--"
"Let's go !" di ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla niya akong hinila papasok ng mall.
Bastos din neto eh ! Diba siya naturuan ng good manners and right conduct ?
Doon kami dumaan sa may parking lot at dumaan naman sa kemerut eklabu na lagusan patungo sa may condo niya.
Mukha tuloy kaming akyat mall gang ngayon !
Sinalubong na naman kami ng napakalaking aso niya, tumayo pa ito at sumampa kay Izce. Mas lalo tuloy akong natakot kasi kapag dalawang paa lang pala yung gamit nitong aso eh halos kasingtangkad ko na. Kering-keri pala netong dambahan ako eh !
So scared !
"Sabi sayo sandali lang ako e" sabi ni Izce habang hinihimas yung ulo ng aso.
As if naman na kausapin siya nung aso ?
Ilang sandali umalis na din yung aso kay Izce tapos pumunta na sa far far away malay ko kung saan eh wala naman akong pake haha ! Ang bad ko ba sa aso ?
"Tara" aya ni Izce tapos bigla niya akong hinawakan.
"Ew layo ! nakipag hug ka kaya sa aso mo" sabi ko sabay rolled ng eyes, natawa naman si kupal.
"Arte !" nakangiting sabi niya tapos pumunta siya ng kusina at naghugas ng kamay.
"Animal creature parin yun syempre" sabi ko tapos naupo ako sa trono ko. Alam nyo na yung couch na lagi kong inuupuan dito hehe !
"So ano balak mong gawin ?" tanong niya.
"Malay ko sayo ikaw tong nag-aya eh" sabi ko.
"Tsk ! Boring dito wala akong maisip na gawin" sabi niya tapos binuksan niya yung ref.
Hehe ! Buti naman at maglalabas na siya ng pagkain.
Isinara niya yung ref at pumunta dito sa may sala nakita ko na lang toblerone pala yung hawak-hawak niya. Yun oh ! Hays heaven ! Iyan yung pinakapaborito kong dilaw na tatsulok e.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...