Natutulog parin ako, nakakatamad naman kasing bumangon e ang sarap-sarap matulog dito sa malambot na kama ng apo ni Zuma.
Argh ! Ang sakit ata ng tyan ko ngayon, may nakain ba ako na kung ano ? Ts may pasok pa naman ako mamayang tanghali nyeta naman oh may LBM pa ata ako, mapapa absent pa tuloy ako ng di oras.
Bumaluktot ako habang nakahawak sa tyan ko, tss ang sakit. Tinatamad ako ngayon hehe pati ang dumilat nakakatamad din gawin.
"Girlfriend --girlfriend" tawag ni Izce, dahan-dahan niya akong inuuga at ramdam ko ang lapit ng bibig niya sa tenga ko.
"Hmm"
"It's already 8:00 wake up and eat breakfast" sabi niya.
"Aw ! Aw !" pati aso niya nakikiepal.
"Hmm" pati ang sagutin siya tinatamad akong gawin. Shet bakit parang ang sama ng pakiramdam ko ngayon ?
"Girlfriend"
"Kung mahal mo ako, hahayaan mo akong matulog Izce" inaantok na sabi ko.
"Ts ! Wake up" inuuga-uga parin ako ni Izce.
Ilang sandali --
"SHIT !" sigaw niya na halos mapabalikwas ako sa sobrang pagkagulat.
Bigla niya akong binuhat na pang bridal at dali-dali tumakbo palabas ng kwarto.
"Teka saan mo ako dadalhin ?" naguguluhang sabi ko.
"Aw-aw" sumusunod pati sa amin yung aso niya.
"Fvck !" sabi niya tapos bumalik ulit kami ng kwarto niya.
Binaba niya akong muli sa kama niya at naghanap ng kung ano sa cabinet niya hanggang sa jacket pala iyon at isinuot niya.
"Hoy ano bang nangyayari ?" naguguluhang tanong ko. Shet ! Ang sakit talaga ng tyan ko.
Di niya ako sinagot at binuhat lang ulit, lumabas na naman kami ng kwarto niya hanggang sa makarating kami ng pinto niya at pinipindot na niya yung pass code niya.
"Hoy lalabas tayo ng ganitong hitsura ?" gulat na tanong ko.
"Shut up ! We have to go to the hospital" sabi niya.
"Ha bakit ? Tsaka gusto mo ba makita nila yang nasa mukha mo, Izce delikado" sabi ko.
Nababaliw na ba siya bakit kailangan naming pumunta ng hospital ? May naaksidente ba sa mga kamag-anak niya ? Pero bakit niya pa ako binubuhat ? Dahil ba ayaw kong gumising ? Sus sabihin lang naman niya na may emergency tatayo ako agad kahit gaano pa ako kaantok.
"Izce ano ?"
"Shit ! Girlfriend you're bleeding ! Kailangan kitang dalhin sa hospital !" nafrufrustrate na sigaw niya.
At ako napanga-nga na lang.
Nabaril o nasaksak ba ako ng di ko alam habang natutulog ? Ow-ow baka natamaan na pala ako ng ligaw na bala huhu kaya ba masakit yung tyan ko kasi doon ako nabaril ? Shemay parang gusto ko ng mawalan ng malay.
Tinignan ko yung tyan ko pero wala namang dugo. Di kaya nag hahallucinate na ito o kaya naman nagiisleep walk ?
"Izce wala naman e" sabi ko. Pati ako kinakabahan na sa mga pinagsasabi ng apo ni Zuma na ito.
"Yes you are bleeding" sabi niya habang kunot ang noo, natataranta siyang pumipindot ng pass code ng pinto niya.
"Saan ?"
"In-- in your--"
"Saan may dugo ?" pati ako natataranta na din.
"In your--butt" nahihiyang sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...