Safest Thing

61.1K 1.9K 235
                                    

Pilit kong tinatanggal yung mga putragis na chocolate na nasa ipin ko, si Kumag naman tawa ng tawa ilang sandali bigla siyang inubo.

Haha ! Ang digital talaga ng karma, buti nga !

Ngumisi lang ako tapos pinanood siya, nakita kong trulala na yung ubo niya tapos may kung anong kemerut na masakit sa ulo niya.

Siguro naman harmless siya, mukhang di naman siya umaacting kasi mukhang di talaga siya okay e kaya lumapit na ako sa kanya.

"Hey what are you doing ?" sabi niya sabay iwas.

"Wait lang ano ba" sabi ko tapos kinapa ko yung noo niya.

At shet ang init nya !

"Hala may sakit ka" gulat na sabi ko. Nakokonsensya tuloy ako sa pag haduken ko sa kanya kanina sa may pool.

"I'm okay, it's nothing" sagot niya.

Psh ! Kambal nga sila ng apo ni Zuma pareho silang pabebe, kunwari nothing lang tapos mamaya hihimatayin na. Edi kargo de konsensya ko pa ?

"Anong okay, anong nothing ? E kasing init mo na nga yung pangalan mo e" sabi ko.

"Will you shut up ? Sumasakit ulo ko lalo sayo e" sabi niya.

"Will you shut up too ? Sumasakit ilong ko sayo e" potek kasi englishero din tong hayop na to, bakit di kasi nila mahalin yung sarili nilang lahi, nakakahiya kay Jose Rizal.

Bigla na naman siyang ngumiti na natatawa. Baliw na talaga to, siguro may amats to !

"Eh kung maghubad ka kaya ? Lalo kang uubuhin sa damit mo e kasi basa" sabi ko.

"You perv !" sabi niya habang nakayakap sa sarili niya na akala mo rereypin ko siya.

WHUUT ?

"Aba feeling mo din no ! Nagsusuggest lang ako kung ayaw mo edi wag ! Makumbulsyon ka sana dyan !" sigaw ko tapos di ko na siya pinansin.

"Kailan ka kaya magiging mabait sa akin ?" sabi niya tapos umubo na naman siya.

Bigla niya hinubad yung jersey niya, syempre di ako tumingin no ! Sawang-sawa na nga ako sa topless na body ni Zuma e.

Yumuko lang siya pero wala parin siyang tigil sa pag ubo ang malala sinisipon na din ata siya tapos nanginginig pa siya. Nakakatakot paano na lang pag nag na epileptic at nag krumping to dito ?

Naisip ko bigla may biogesic pala ako sa bag, hehe galing yun sa nurse doon sa clinic ng school e, pag nakakaramdam kasi ako ng something humihingi ako agad doon ng gamot. Aba sinusulit ko lang yung tuition ko.

"Oy !" kalabit ko sa kanya.

"Hm" nakayuko lang siya, nakakapa kong ang init niya na talaga.

"Oy inumin mo to" sabi ko tapos tumingin siya sa akin at sa hawak kong gamot.

Ilang sandali nagulat ako ng bigla niyang isinubo yung gamot mula sa daliri ko, feeling ko kinilabutan ako kasi tumama yung lips niya sa daliri ko e.

"Tubig" sabi niya kaya dali-dali naman akong kumuha ng tubig. Potek ginawa na akong yaya nito ah ? Buti na lang girl scout ako.

"Oh senyorito" sabi ko, nakakahiya naman kasi sa kanya e kung makautos wala man lang please.

Kaso nakayakap lang siya sa sarili niya, nilalamig nga talaga siya at dahil di naman ako masamang tao e nag volunter na akong painumin siya.

"Oh" sabi ko tapos uminom na siya.

Napatingin ako sa kanya kasi nakatingin siya sa akin, alam kong maganda ako pero di tamang i stare niya ako no !

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon