Insecurity Lvl999

63.7K 1.8K 316
                                    

11am. Mall (Hindi mall ng apo ni Zuma)

Nandito ako ngayon dahil kakauwi ko lang galing sa isang library ng isang university school dahil ginawa namin yung depungal na chapter two ng thesis namin.

At dahil galing sa byahe at arawan nag pasya akong tumambay muna dito para mag pa aircon. Syete february pa lang ramdam na ramdam ko na yung summer sa sobrang init at tagaktak ng pawis ko sa labas boset lakas maka heat stroke.

Nasa may food court lang ako at nakaupo habang yung ulo ko naman nakahiga sa mesa, naiidlip ako at wala akong pake kung mall to dahil feeling ko mahihimatay na ako sa sobrang init kanina.

"Hoy !" sabi ng walang hiyang kumalabit sa ulo ko, alam niya ba yung salitang respeto ? Kitang naiidlip yung dyosa ginugulo niya.

Agad kong iniangat ang ulo ko at tinignan ng masama yung balasubas na kumalabit sa akin, medyo masakit kaya sa bunbunan tapos pagtingin ko si Kumag pala, punyeta kahit kailan kupal talaga to !

"Ano ba ha !" naiimbyernang sabi ko.

"Bakit ka natutulog dito ? Baliw ka talaga e no" sabi ni damuho.

"Pake mo ba" sagot ko.

Bigla siyang umupo sa harap ako, ako naman nagkamot ng ulo pakshet di na ako inantok ginulo kasi ng kupal na to yung pag idlip ko e.

"Tsupe !" sabi ko. Ulo ko naman ngayon yung umiinit sa kanya.

"Yung dito mo oh" sabi niya sabay turo sa gilid ng labi niya.

Agad namang nanlaki yung mata ko at agad kong pinunasan yung gilid ng labi ko. At shet !

"Kumag ka ! Wala namang laway ah !" sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Ouch ! Joke lang naniwala ka naman" nakangiting sabi niya sabay himas sa hinampas ko.

"Umalis ka na nga bakit ka ba nandito ? Di naman to sa inyo ah" naiinis na sabi ko.

"Alam ko bakit sayo ba to ?" sagot niya, shet sumasakit na brain cells ko.

"Bakit sinabi ko ? Laki-laki ng mall niyo tapos may ibang branch pa tapos dito ka pa pumupunta" sabi ko.

"Alam ko yung mga properties namin okay at wala akong balak pumunta sa mga yun" sagot niya.

"Bakit anong iniemo mo aber ?" sabi ko.

"That was his territory and not mine so I hope he knows how to respect other's territory too" seryosong sabi niya kaya naman natahimik ako.

Sino ba tinutukoy niya ? At anong territory pinagsasabi nito ? Don't tell me masyadong affected siya ng pag agaw ng China sa Spratly Island ?

Ilang sandali bigla siyang tumayo sa harapan ko.

"Let's go" sabi niya.

Ano daw ?

Kumunot lang yung noo ko nung marinig ko yung sinabi niya.

"Go out with me" sabi naman niya.

Luh ! Anong go out na pinagsasabi nito haller ?! Ang init kaya sa labas kaya nga pumasok ako dito sa loob para magpa aircon e.

"Baliw ka ba ha ?" sabi ko

"I said go out with me. Breathe if yes, recite the Bible in Chinese if no" seryosong sabi niya kaya naman nagulat ako.

Confirm may hinihimutok nga to sa mga chino !

"A--e -- pongchoyla chiririkong kwayla abuchikek-ek-ek-ek" mabilisang sabi ko.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon