Kanina pa ako sa kakapaypay at tapik sa kanya tapos wala parin siyang malay, kinakabahan na ako anong gagawin ko eh wala akong alam sa ganito.
"Hoy Izce ! Gising na oh ! Oo na di mo na kailangang magworkshop magaling ka na wag ka ng mag inarte dyan" halos naiiyak na naiinis na sabi ko.
"ARF ! ARF !"
Wala parin siyang malay tapos black-out padin pero ilang sandali bumukas na yung ilaw, narinig kong umandar na yung aircon nilakasan ko yun hanggang sa limitasyon nun.
"Hoy apo ni Zuma gising na ! Di ka na nakakatuwa ah ! Combohin kita dyan !" sigaw ko sa kanya sabay tapik.
"ARF ! ARF !"
Ilang sandali unti-unti na siyang dumidilat.
"Babae" sabi niya tapos dahan-dahan siyang umupo.
"Hoy ano bang nangyari sayo ?" tanong ko.
"Nahimatay lang ako siguro sa sobrang pagkahilo ang init eh !" sabi niya tapos ginamit niya yung panyo ko at ipinunas sa sarili niya, ako naman pinaypayan ko siya.
Bigla siyang tumayo.
"Saan ka pupunta ?" tanong ko.
"Sa kwarto lang" sagot niya tapos sinundan ko siya.
Nilakasan niya yung aircon doon sa kwarto tapos humiga siya lumapit naman ako at pinaypayan siya.
"Stop na babae !" sabi niya.
"Eh baka mamaya --"
"I'm okay" sabi niya tapos hinawakan niya yung kamay ko na pumapaypay sa kanya.
LUBDUB ! LUBDUB !
"Edi okay" sabi ko tapos inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.
"By the way thanks" sabi ni Izce ng nakapikit.
"No prob" sabi ko.
*Silence*
Nakahiga lang siya sa kama at nakapikit ako naman nasa tabi niya nakaupo. Yung aso tahimik na natutulog sa sahig, ano ba to ang boring.
"You can lay down if you want" sabi niya ng nakapikit parin, di pa pala siya tulog.
Ako naman hindi na nagpabebe humiga ako sa tabi niya pero syempre-syempre babae parin ako at lalaki siya kaya naglagay ako ng unan sa pagitan namin para may harang.
Dalagang Filipina kaya ako !
Tinignan ko siya ng pasimple, tulog na kaya to ? Sus mamaya tulog-tulugan lang best actor pa naman to ! Nasa right side niya ako nakahiga kaya kitang kita ko yung scary snake fes niya, napansin ko kahit pala may genern yung mukha niya gwapings parin naman siya eh !
Tsaka napapansin ko ah ! Madalas na kaming nagiging magkasama nito ! Imagine halos ilang buwan ko na din siyang kilala, nagsimula lang sa pagboboys hunting, na discover ko siya tapos ngayon tambay na ako dito.
At hindi alam ng lahat ng mga tao na may kalahating poging binatang nakatira sa mall na ito, anak pa ng may-ari. Bakit naman ba siya nandito nakatira ? Ang sabi niya lucky charm daw siya asus maniwala anu siya feng-sui ? Eh mukhang wala naman siyang lahing instik eh !
Bakit kaya naging ganyan yung mukha niya ? Pinag lihi ba siya sa ahas ? Tsaka sabi niya Cassandra daw name ng mama niya eh ang alam ko si Galema yung anak ni Zuma, so sino yun ay baka anak sa kabit ni Zuma so .. apo sa labas tong si Izce !
Naku ! Ano ba tong iniisip ko !
Nagulat ako ng bigla siyang dumilat kaya tumingin ako kaagad sa kisame.

BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...