Can't Get Enough

106K 3.3K 607
                                    

Matapos ang dalawang araw na hindi pagpaparamdam ni kupal, kala niya itetext ko siya ? Duh ! edi matigasan kaming dalawa ngayon, di ko din siya tinext kasi wala din akong balak magpaload, mamaya di ren siya magreply edi sayang lang.

Pupuntahan ko na siya ngayon, sabado naman kasi at wala akong pasok kaya napag-isipan kong puntahan na din siya kasi isasauli ko na itong mga damit niya na hiniram ko. Nagtataka na kasi si mama kung bakit hindi ko parin sinasauli to tapos parami pa ng parami.

Umuulan pa nga eh, kinda malamig kaya isinuot ko yung AOT - Attack on Titan jacket na binili niya na pareho kami, baka akalain niya di ko sinusuot diba ? pinapakita ko lang na na aappreciate ko siya.

Nasa loob na ako ng mall at naglalakad ng may nakita ako sa harap ko na lalaking naka AOT jacket din.

Si Izce kaya to ?

Gusto ko sanang kalabitin kaso baka mamaya ma who you ako at mapahiya diba ? ayoko nga ! Binilisan ko na lang yung lakad ko para makita ko yung mukha niya, kaso hindi padin eh tagong-tago si kuya.

"Aw" sabi ko.

"Sorry miss" sabi nung lalaking nakabangga ko.

Pagtingin ko sa naka AOT jacket na lalaki nawala na siya sa paningin ko. Hala !

Naglakad ako ng lakad, asan na ba kasi yun ? Ang bilis naman nawala parang timang lang namamadali ganun ? Patuloy lang ako sa kakarampa ng biglang --

"@#$%&*?!" syempre hindi nyo naintindihan diba eh kasi nga nakatakip yung bibig ko.

Paano may bigla na lang na humablot at nagtakip ng kamay sa bunganga ko.

OMG ! Ano this ? Kidnap ? Rape ? Waaaah !

Nagpanic attack agad ako at nag hysterical, kaso di ako makasigaw.

"Don't dare to try to make a noise, or else I will rape you"

Hanudaw ? Nanlaki bigla yung mata ko at napatigil ako sa kakapiglas ko. Ilang sandali tinanggal niya yung kamay niya sa bibig ko at mabilis na pinihit ako paharap sa kanya.

Aatakihin na ako sa puso ng --

Lord please lang po ayokong makapatay ng tao pero ahas naman siya kaya sa tingin ko okay lang na mapapatay ko tong nasa harapan ko ngayon ! Grr !

"Leshe ka ! Hinayupak ka talaga !" sabi ko habang pinaghahampas siya.

"HAHAHA ! Aray -- Hoy babae stop na nakakarami kana" sabi ng lintik na apo ni Zuma.

"Bwisit ka akala ko mamamatay o marerape na ako !" sabi ko ulit sabay palo.

"Haha ! Bakit mo ba kasi ako sinusundan ?" tanong niya.

"Huh ? Ikaw ba yung naka AOT jacket din kanina ? Paano mo nalaman na sinusundan kita ?" nagtatakang tanong ko.

"Yea that's me, nalaman ko kasi sabi mo 'Aw' kaya napalingon ako kala ko aso yun pala ikaw kaya nagtago ako para takutin ka hehe !"

"Gastog to !" naiinis na sabi ko.

"Naiinis ka kasi di ko tinuloy yung pag rape sayo ?" nakangising sabi niya.

"Gusto mong combohin kita ?" nanlilisik na mata na sabi ko.

"Ano kailangan mo bakit ka nandito?" pa change topic si loko.

Pagtingin ko sa paligid pa fire exit na pala kami, kaya pala ang lakas ng loob nitong manakot ng rape kasi wala masyadong dumadaan na tao dito.

"Ito isasauli ko na yung mga damit mo oh !" abot ko sabay talikod.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon