Naglalakad ako sa mall. Ps. di mall nila apo ni Zuma ah. So ayun na nga naglalakad nga ako gaya ng kasasabi ko lang kanina, wag unli sa rice lang pwede.
"Bree!" bati sa akin ni Zackie nung makita niya ako.
"Omaygad Zackie!" sabi ko sabay yakap sa kanya.
Paano matagal na kaming di nagkikita dahil may kanya-kanya na kaming work at magkakalayo rin ng lugar.
"Shet si Alex na lang kulang" sabi niya.
"Oo nga e. Kamusta?" tanong ko.
"Eto maganda parin, ikaw?" sabi niya.
"Ito dyosa parin haha" sabi ko sabay flip ng hair.
"Sayang bonding sana kaso may pasok pa ko e"
"Oo nga e ako din may pupuntahan pa" sagot ko.
"Oo nga para saan yang dala mong mga bulaklak? Mukha namang di bigay sayo yan ni jowabels mo kasi pang patay" tanong niya kaya napatingin ako sa bitbit ko.
"Ah para kay Flare, dadalawan ko kasi siya. Grabe ka di naman as in pang patay to sadyang mumurahin lang kasi" sagot ko.
"Kaya naman pala e mura. Oo nga pala nakakasad kala ko kami na ang tininakda para sa isa't-isa" sabi niya.
"Gaga to nagsasalita ka pa ng ganyan, kilabutan ka nga" sita ko.
"Charot lang! Alam mong crush ko yun e. Gaano na pala katagal nangyari yun?"
"One month ago na rin" malungkot kong sagot.
Matapos namin mag chika sandali ni Zackie e umalis na ako para dumiretso kay Flare kaso langyang panahon to may bagyo jusko pahirap sa buhay.
Pag akyat ko ng hagdan para makadaan ng overpass may hambog na bumangga sa akin kaya naman tumilapon yung bulaklak na dala ko. Kaso si kuya may pusong bato ata dahil di man lang huminto o nagsorry hype na yan.
"Hoy!" sigaw ko from the top of my hypothalamus kaso putragis di natinag si kuya at naglakad lang agad papalayo.
Agad akong bumaba para damputin yung bulaklak para kay Flare na gumulong pababa at tinapakan na ng taong dumadaan. Letse kung kanina mukhang pang patay lang to now mukhang pataon na. Yung payong na hawak ko bumaliktad na at nababasa na ako ng ulan ramdam ko na nga pumasok na yung tubig sa sapatos ko e, sarap manapak grabe.
Pagdating ko doon kay Flare binaba ko yung bulaklak sa tabi niya at umupo. Yung hitsura ko daig ko pa yung basang sisiw na walang malalapitan at walang masisilungan. Nahiya na tuloy ako sa bulaklak na dala ko sa kanya paano lagas-lagas na, yung ibang tangkay nabali na nyeta tapon ko na lang ba?
"Hi Kumag" sabay ngiti pero malungkot.
"Wag kang matawa sa hitsura ko ah! Wet look to uso this season" sabi ko.
Kaynis talaga basang-basa ako bra at panty ko na lang ata yung tuyo sakin e.
"Sensya pala sa bulaklak mo ah, may ulupong kasi na bumangga sa akin e bangon ka nga dyan sapakin mo yun" sabi ko na medyo natatawa pa.
"Miss ka na namin, akalain mo yun?" sabi ko na medyo na teteary eyes pa.
Hanggang ngayon di ako makapaniwala sa nangyari nung gabing yun, ang bilis ng lahat hawak lang namin yung kamay niya nun tapos biglang.. biglang ganun na.
"Gising ka na Flare please!" sabi ko sabay hawak sa kamay niya na may dextrose tapos tuluyan ng pumatak yung luha ko.
"Isang buwan ka ng nakahilata dyan ang tamad mo! Ang putla mo na alam mo ba yun kulang ka na sa araw. Yung buhok mo ang haba na emo ka ba? Bad breathe ka na niyan sige di ka nagtotoothbrush tsaka tagal mo ng di umiihi o jumijebs sige ka magkaka UTI ka niyan. Kaya gising na Flare" sabi ko sabay punas sa luha ko.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...