Naglalakad na kami palabas ng Enchanted Kingdom ng magkaholding hands. Oh di ba level up may paholding-holding hands na, pumayag na ako kasi KAMI na mwehehe !
Ang kulit di planado ang lahat, di ko naman bet na sa Enchanted Kingdom maging kami o sagutin ko siya pero nagkataon na lang. Takte ! Di parin ako makapaniwala na graduate at hindi na ako miyembro ng organisasyon ng mga NBSB ngayon. Akalain mo yun ?
Samantalang parang kailan lang naghihimutok ako kasi third year college na ako e wala pa din akong jowa, pero ngayon aba'y pak ! May Izce na ako na kalahating ahas pa hehe !
Palitan ko na ba status ko sa facebook ? Na mula sa pagiging it's complicated e gawin ko ng in a relationship ? Sus ! Wag na for sure daming magcocomment dun edi na world wide broad cast pa na may jowa na ako.
At isa pa sa iniisip ko ngayon paano pag nalaman nila pudra at mudra na may jowa na ako ? Naku ! Baka palayasin ako ng mga yun, di naman siguro nag jowa lang naman ako at di nagpabuntis e.
Dear Lord, wag naman po sana akong kalbuhin ng mudra ko, ngayong third year nga lang po ako lumandi e pagbigyan na. Hihi love ko po si Izce e !
"Girlfriend" bigla akong napatingin kay Izce.
"Anong sabi mo ?" tanong ko malay ko ba na mali pala ako ng dinig.
"I said girlfriend" sabi niya sa akin kaya biglang lumaki ang mata ko at napangiti. "Why are you smilling ?" tanong niya.
"Hihi ! Nag level up na kasi di na babae tawag mo sakin kundi girlfriend na" sagot ko.
Huhu ! Nakakatouch kaya, ilang beses niya din kasi akong tinatawag na babae kesa sa pangalan ko diba ?
"You silly !" sabi niya sabay gulo ng buhok ko tapos akbay sa akin.
Nagulat ako kaya bigla kong tinanggal yung kamay niya "Oy ! Holding hands pa nga lang tayo e, akbay agad ?" sabi ko.
"Hays ! Shut up" sabi niya sabay akbay ulit sa akin tapos pumunta kami sa kung saan.
Pagdating namin sa may parking lot, nakita kong nakaparada dito yung kotse niya.
"Bakit nandito kotse mo ?" gulat na tanong ko.
"I asked someone to bring that in here" sagot nito sabay bukas ng passenger seat tapos pinapasok ako.
Pagsakay ni Izce ng driver seat tinanong ko ulit siya "Sino ?"
"It's not important, the important now is kailangan mo ng umiwi dahil gabi na" sabi niya sabay paandar ng kotse.
Lagot ka balbon ! Makakalbo nga ako neto ng mudrakels ko.
Tapos umalis na kami doon at inihatid na ako ng -- boyfriend ko hehe !
School.
Until now hindi pa din ako makapaniwala na may boyfriend na ako paggising ko nga kanina akala ko di nangyari yung kagabi at panaginip lang ang lahat pero well hindi pala.
Kating-kati na nga akong magkwento kina Alex, Zackie at Eli e. Kaso di pala pwede dahil bukod sa madadaldal sila e wala dapat makaalam ng tungkol kay Izce hays ! Kasisimula pa lang ng relationship namin may unos na agad haha ! Hanubayan !
*Toot-toot !*
Message from: Boyfriend
Good morning girlfriend, come later.
Kyaah ! Nakakakilig ! This is a perks of having a boyfriend yung may text ka sa kanya every morning. Gusto ko sanang magreply kaso posang gala wala pala akong load. Apaka poorita ko naman kasi !

BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...