Kiss Me Slowly

92.4K 2.9K 499
                                    

Nasa bahay ako at nanunuod ng anime, ganito kasi ako pag nasa bahay lang maliban sa pagiging dakilang utusan e nag papaka otaku overload ako buong araw at minsan buong gabi pa akong nanunuod ang anime, live action o di naman kaya nakikinig ng mga opening song ng mga anime.

Normal lang akong nanunuod ng bigla yung boy kiniss yung girl sa lips as in shock na shock yung girl sa anime na pinapanood ko, maski ako nga din e !

Omo ! What if pag nangyari na sa amin ni Izce to ? As in di ko maimagine iniisip ko tuloy baka mahimatay na lang ako bigla, kyaah feeling ko di pa ako ready sa first kiss ko kyaah !

Ano kayang feeling ?

Idinikit ko ang palad ko sa lips ko, ganun kaya yung feeling ? Parang wala naman. Tsk ! Bigla kong binatukan yung sarili ko, ano ba kasi tong pinagsasabi ko e parang timang lang.

School.

"Kuya magkano palitaw ?" tanong ko nung biglang may dumaang nagtitinda.

"6 pesos" sabi ni kuya kaya natigilan ako.

"Ano ba yan tubong champorado" bulong ko.

"Bree anong champorado baka lugaw ?" bulong sa akin ni Alex.

"Champorado kasi nigga si kuya takte di pa ginawang lima may pasobrang piso pa" bulong na sagot ko tapos binatukan ako ni Zackie.

"Hayop patawa ka" natatawang sabi ni Zackie.

"Isa nga po kuya, baka di po masarap yan ah" pagbibiro ko.

"Masarap yan ne" sabi niya sabay abot sa akin ng binili ko.

"Freaks tignan niyo, ayun yung pinagpalit sa akin ni Cent oh" turo ni Zackie sa babaeng putok na putok yung make up na dumaan.

"Sino yung kalandian mo ?" tanong ni Alex.

"Tange kalandian agad di ba pwedeng nilagawan ako" sagot ni Zackie.

"Tsk te mukhang bisugo" sabi ko.

"Haha ! Gawin bang isda" sabi ni Zackie.

"Oo mukhang nakawala ng acquarium e" natatawang sabi ko.

"Tignan nyo guys dumating na yung tambakol" sabi ni Alex nung dumating si Cent at sinundo si Bisugo.

"Bagay sila infernes pareho silang nilalang galing dagat" sabi ni Zackie tapos nagtawanan kami.

"Ano ba yan letson ka na te, pinagpalit ka pa sa tuyo" sabi ko tapos tawanan ulit.

Haha ! Ganito talaga kami mga pintasera pag kami-kami ang magkakasama tapos malakas mang lait sa iba lalo pag our friend doesn't like you we don't like you too hehe.

"Loko kasi yang si Centimo na yan e ! Nililigawan ako tapos may nililigawan ding iba" kwento ni Zackie.

"Kala mo naman pogi" sabi ni Alex.

"Tapos sinagot lang siya di na nagparamdam sa akin, buti na lang di ako nafall hehe" sabi ni Zackie.

"Sister wag kang bitter mga sugpo lang sila, isipin mo ang kordelio ng diyos na nag-aalis ng mg kasalanan sa mundo" seryosong sabi ko sabay hawak sa magkabilang balikat niya.

"Potek tong si Bree patawa !" sabi sabay hampas sa akin ni Alex.

"Haha kaya nga hayop ! Kaya okay lang na wala akong fafa basta anjan kayo keri lang ng single lang" sabi ni Zackie saba akbay sa amin.

Izce's POV

"What happen to your face ?" sabi Cassandra habang hawak ang mukha ko, nakita niya kasi na may bandage ito kaya bigla kong inalis yung kamay niya at nagpunta ng kusina.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon