"Hoy babae tanghali na!" gising ni mudrakels sabay hampas sa akin ng unan.
"Ano ba yan" inaantok na sabi ko.
"Oh kape dali at lalamig na" sabi niya.
"Ano ba yan nanggigising e" sabi ko at dahan-dahang umupo sa kama ko sabay kamot ng ulo.
Kitang nag eemote ako pampam din tong nanay ko.
"Ano yan namamaga ba yung mata mo?" tanong ni mama. Di ko alam sasabihin ko.
"Masakit ulo ko" sagot ko.
"Yan kasi kakapuyat mo. Lintik na laptop at cellphone na yan di maiwan" sabi niya sabay alis.
Ako natulala na lang habang hawak yung kape na halos malamig na. Ang sakit ng ulo ko, ang sakit din ng mga mata ko kakaiyak kagabi na halos ala-sais na ng umaga ako nakatulog.
Kinuha ko yung phone ko at pag tingin ko ala-una na pala ng hapon. Bigla na naman akong naiyak, kaninang ala-sais yung flight ni Izce kaya gising parin ako nung mga oras na yun. Siguro anak ng tokwa ako at naghihintay ako ng tawag o text niya pero wala e. Gusto kong pumunta para makita man lang siya bago umalis kaso pinigilan ko yung sarili ko kasi baka mag hysterical at mag eskandalo lang ako doon at mag makaawang wag siyang umalis.
Pinunasan ko yung luha ko. Taragis talaga ang sakit ng ulo ko, kumukulo narin yung tyan ko sa gutom. Gagi di na ko halos nakakakain, ano to te hunger strike lang?
Bigla na naman akong naiyak. Tae ang tibay ko one week na kaming di nagkikita o nag uusap ni Izce kahit sa text man lang, last na nung christmas party namin. Di ko nga alam kung paano ko siya natiis e, di ko rin alam kung paano niya ko natitiis huhuhu!
Pakyu ka Bree! Isa kang malaking depungal realtalk!
Tumayo ako ng kama ko at tumigin sa salamin. Ang panget ko. Mukha akong nanay na may isang dosenang anak o di naman kaya keri ko ng maki member sa mga palaboy ng dahil sa hitsura kong to. Two days na pala kong di naliligo, lagpas isang linggo na rin akong di lumalabas ng bahay, di na ko nakikipag kita o chat kahit na kanino, di na ko nakakapag open ng fb, wala na kong ginawa kundi ang matulog at ang magmukmok huhuhu!
Di ko na alam gagawin sa buhay ko. Ganito ba pag broken hearted? Galit ka ba sa akin Izce? Break na ba tayo?
Umiyak na naman ako habang parang tangang nakatingin sa sarili ko sa salamin, pinunasan ko agad yun, takte ang sakit na naman ng mata ko . I hate drugs!
Bigla akong napatingin na kalendaryo. Gagi ilang araw na lang magpapasko na tapos konting kembot na lang mag babagong taon na at konting pitik na lang papasok na naman ako sa depungal kong school. Tapos ako di ko alam kung kailan ako titigil sa pag-iyak, nyeta!
Pakyu life!
Christmas day.
Dumating na yung pasko pero wala paring Izce. Paskong pasko pero nakapang semana santa yung mukha ko. Nung sumapit yung 12:00 midnight sila masaya ako umiiyak. Gusto kong tawagan o itext man lang si Izce e kaso US yun e, diba mahal pang tawag doon? Depungal e nung nandito nga lang siya noon sa Pilipinas wala na kong pangload na pang tawag kanya e doon pa kaya?
New year's day.
Di pa dumadating yung alas-dose pero kumain na ko, sobrang sakit na nga ng tyan ko e tipong halos patayin ko na yung sarilli ko sa sobrang kabusugan. Nagdidilim narin yung paningin ko sa sa mga biniling paputok ni kuya. Gusto ko ngang nakawin yung sinturon ni hudas e tapos ilagay ko sa leeg ko sabay sindi para ma tegi na ako. Huhu! Ayoko ng mabuhay! Kaso ayoko namang mamatay sayang yung ganda ko. Ano ba tong pinag iisip ko. Ganito ba pag sawi?
![](https://img.wattpad.com/cover/38372263-288-k705863.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...