Close ?

111K 4K 736
                                    

Kinabukasan pagkatapos ng klase pumunta na ako ng mall, papunta na ako sa fire exit ng mapadaan ako sa National bookstore nakakita kasi ako ng mask pero pang half face lang. Naisip ko bigla si Zuma este si Izce kaya pumasok muna ako at binili iyon.

Lintik nga eh ! Napasubo ako.

Paano ang mahal pala 80 pesos, nahiya naman ako kasi hawak-hawak ko na tapos ang tagal ko pang naghalungkat at pumili, alam mo na baka kasi may damage wais lang ako. So ayun nga binili ko na, naku buti na lang may naipon akong pera sa mga nakaraang baon ko.

Tapos naglakad na ulit ako papunta sa fire exit ng mapadaan naman ako sa EO Optical at nakakita ako ng contact lens.

Ay keri to kay Izce para matakpan yung scary snake eye niya, kaso dah ! ang mahal kaya ng contact lens ! Wala na akong pambili no !

Eto na talaga for sure na ako na didiretso na talaga sa fire exit, kabubukas ko pa lang ng DO NOT ENTER door tumambad na sa akin si Izce.

"Zuma ka !" gulat na sabi ko, hinayupak to mahaheart attack pa ako.

"Ang tagal mo" nakasimangot na sabi niya aba demanding.

"May dinaanan pa kasi ako, tsaka wala akong number mo paano kita itetext" sabi ko habang papasok kami sa condo niya.

"Oh !" sabi ko sabay abot sa kanya nung mask na binili ko.

"Ano yan ?"

"Basta kunin mo at buksan mo" utos ko kaya ginawa naman niya.

"Ano to ?" nakakunot noong sabi niya.

"Maskara !" bobo din nito ni Izce no hindi alam.

"Alam ko ano namang gagawin ko dito ?" ay napikon ata.

"Akin na nga" kinuha ko at isinuot sa kanya "Oh ayan fit sayo edi bongga !"

"Tsk !" tapos bigla niyang inalis.

"Ano ka ba binili ko nga yan eh ! Pasalamat ka nga binigyan pa kita" naiinis na sabi ko, loko eh imbis na mag thank you wala pang utang na lamang loob.

"I don't need that !" sabi niya.

"You need this ! Para pag tuwing lalabas ka hindi nila malalaman yang ano mo" sabi ko.

"I'll be staying at home" sabi niya tapos umupo sa couch.

"We ? Eh gala ka nga ng gala" sabi ko sa kanya kaso di siya sumagot.

Aba ! ni who-you ako netong ahas na to ?

"Alam mo nakakita ako ng contact lens dun perfect yun para sa eye mo" chika ko sa kanya

"Aanhin ko naman yun ?" ay suplado.

"Para nga yun sa mata para di makita yang snake eye mo ! Ay sorry !" tinakpan ko agad yung bibig ko putek walang preno sarap pitikin.

Bigla na lang niyang kinuha yung hoodie niya tapos sinuot yung mask at hinila ako palabas.

"Teka san tayo pupunta ?" nagtatakang tanong ko.

"Titignan natin kung may purpose tong mask na binili mo" sabi niya without looking.

Di pa kami nakakalayo sa fire exit dami ng tumitingin kay Izce. Sabagay weird nga ng hitsura niya ngayon, nakahoodie tapos naka half mask na kulay puti so mysterious. Pero ngayong nakatakip yung snake part niya, ugh ! ang pogi talaga netong apo ni Zuma na ito !

"Saan yung contact lens na pinagsasabi mo" lingon niya sa akin.

Asus ! Pa bebe pa kanina gusto din pala.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon