I Got Worried

103K 3.2K 235
                                    

Pag-uwi ko ng bahay.

Nagrap na naman si mudra.

"Hoy Be bakit ngayon ka lang ha ? At ano tong t-shirt ng lalaki na ito ha ?" sigaw ni mama hawak-hawak yung shirt ni Izce.

Nanlaki naman bigla yung mata ko sa gulat.

"Ma kasi-- ano nag over night kami para gumawa ng project" sinungaling huhu !

Guilty day ba ito ?

"At yang t-shirt, sa classmate ko yan kasi yung blouse ko nadumihan" paliwanag ko.

"Yung alin ? yung may dugo ?" sigaw ni mama tapos tumango ako " Bakit napano ka ?"

"Nadulas ako at tumama yung ilong ko kaya dumugo" true yon !

"At ano na naman yang t-shirt na suot mo ha ? tsaka may pasok ka ngayon diba ?"

Daig pa SOCO kung mag imbistiga.

"Hiniram ko kasi wala akong dalang damit, tsaka wala kaming pasok ngayon kaya nga nag over night kami para sa project eh !"

LIAR !

"Eh yung bagong damit sa labahan ? Hiniram mo yon ?" nakataas kilay na sagot niya.

"Binili ko yun ma !" sabi ko.

"Forever 21 ? Nakabili ka ?"

"Sama naman neto ? Inipon ko yun sa baon ko"

"So malaki pala yung naiipon mo baon mo ? Pwes babawasan ko !"

Hala ? Why o why ?

"Hala ! Bakit ?"

"Anong bakit ?"

"Mudra naman eh !" mangiyak-ngiyak na ako.

"Ikaw ha ! sumusobra kana, kung san-san ka nakikitulog baka nagpabuntis ka na ha !" sigaw ni mama habang dinuduro ako.

"Ma ! Kahit i monitor mo ako ng ilang buwan hindi lalaki tong tyan ko !" naiinis na sabi ko.

"Siguraduhin mo lang at kung hindi papalayasin kita sinasabi ko sayo !"

Garabe tong panenermon na ito ! Huhu ! Ge ma, oo na talo mo na si Gloc 9 !

Buti naman at joke-joke lang yung sinabi ni mama na babawasan niya yung baon ko. Haller ? di na nga kalakihan yung baon ko tapos babawasan pa ?

Nagpaload ako kasi na gi-guilt ako sa nangyari kay Izce, balak ko siyang kamustahin.

To: Izce

Hoy !

Pangatlong send ko na yan pero hindi siya nagrereplay. Ah ganun ? bala ka sa buhay mo ! May pasabi-sabi ka pang text-text na lang tapos textzoned lang ako tsk !

Kinabukasan sa school.

"See this freaks oh ! Nakakaingit yung mga IG ng mga in a relationship. Why it can't be me ?" naka pout na sabi ni Zackie habang nag iiscroll sa phone niya.

Tumingin din ako sa IG, oo nga nakakaingit much ! Nilalanggam sila.

"Don't worry soon magiging ganyan din yung laman ng IG naten" optimistic na sabi ko habang naka ngiti.

"Yeah ! mag sesecond sem na, sino kaya ang magkakaboyfriend sa atin ? Abangan !" naka smile na sabi ni Zackie tapos natawa naman kami ni Alex.

Hm.. kailan kaya magiging ganun yung mga picture sa IG ko ? Abangan ! Haha ! Landee !

Pauwi na ako ng --

From: Izce

Hoy babae !

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon