You're Something Special

65.1K 1.9K 556
                                    

"Whaaat talaga ?" sabay na sigaw namin ni Zackie sa may banyo ng sabihin ni Alex yung karumaldumal na balita, keri lang naman sumigaw kasi kaming tatlo lang yung nandito.

"Ay hindi kasasabi nga lang diba ?" sabi ni Alex.

"Pakshet yun bilis talaga mafall ng nognog na yun" sabi ni Zackie.

"Eh ikaw Alex same feelings ka ba ?" tanong ko.

"Ewan ko pero balak kong itry Bree" sabi niya.

"Yiee the more you hate, the more you love pala ang peg niyo, hays wala akong balita na nakadevelopan na pala kayo ng Jhaze na iyon" sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya.

"So siya na kadate mo sa Valentines ganun ? So kayong dalawa may ka date na samantalang ako tigang dito genern ?" sabi ni Zackie habang naniningkit yung mga mata sa aming dalawa ni Alex.

"A-e oo niyaya niya ako e date daw sa 14 e wala namang forever" sabi ni Alex habang nagsusuklay ng hairlalu niya.

"Eh ako-- ewan depende kay Izce pag niyaya niya ako" sagot ko.

"Tsanggala matapos yung dalawang taon na tayo yung magkakasamang nanghuhusga ng mga couple sa valentines iiwan niyo na lang ako sa ere ng ganun na lang ?" oa na sabi ni Zackie.

"Okay lang yan ang mahalaga wala tayong ebola" sabi ni Alex sabay tapik sa balikat ni Zackie.

"Tsaka ano ba kasing ginagawa mo sa ere papakamatay ka ba ?" sabi ko sabay tapik din sa likod niya.

"Lintik ! Wag niyo nga akong patawanin seryoso ako huhu ! Who cares I will just date myself na lang" sabi niya.

"Aw wawa ! Don't worry tatanggihan ko na lang si nognog" sabi ni Alex.

"Yeah ako din pwede naman di kami magkasama sa 14 ni Izce e sus one day lang yun. Sama-sama ulit tayong magpakajudgemental sa mga kupol na nasa mall" sabi ko.

Tapos para kaming mga timang na nagyakapan, shet bff forever.

"Joke lang, sige mag valentines na kayo hahanap na lang ako ng fafa tutal may isang linggo pa naman sila para ligawan ako haha" sabi ni Zackie.

"Hays ilang araw na lang marami na naman silang masasakit sa mata na mukhang pupunta ng puntod" sabi ni Alex.

"Tsk ! I'm so excited to recieved nothing on Valentines day" sarcastic na sabi ni Zackie.

"Nasaan ba kasi yang nag imbento ng Valentines day ng mamassacre na natin, boset e nagiging problema pa natin ngayon" sabi ko.

"Tara huntingin na si kupido" sigaw ni Zackie tapos nagtawanan kami.

Izce's POV

"Hi !" Paige said to me when she saw me sitting on the school park.

I just nod at her and continuing reading my books.

"May training ka ?" she asked.

"Yeah later" I said.

"Hmm.. e sa love nights pupunta ka ?" she asked.

"Love nights ?" I asked kasi hindi ko naman talaga alam yun.

"Valentines day night here at campus, may bands and activites that you can bring your own date kahit di siya taga dito" sabi niya.

"Ah.. no I'm not goin" I said.

"Hm.. okay mukhang may plans na kayo ng girlfriend mo ah" she said to me while smiling.

Bigla akong napaisip, oo nga no Valentines day is already near, and me and Bree don't have any plans yet.

Should we need plans for a date ?

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon