Tongue Tied

103K 3K 331
                                    

Spell,

One week.

ONE WEEK LANG NAMAN SIYANG HINDI NAGPAPARAMDAM !!

Grr !

Kupal yun ! Pabebe anong iniemote-emote niya ako na nga tong nagtetext at tumatawag di niya pako sinasagot. Alam kong natakot talaga siya para sa buhay niya pero di niya ba narerealize na nag-aalala na ako sa kanya ?

As in duh ! wag lagyan ng meaning okay. Worried ako kasi tao ako may puso ako ! Period.

Nawala na din sa trending yung balita about sa apo ni Zuma pero bakit ganun missing paren siya. Di naman kaya na depress na siya ? Ow-em baka naman nag suicide na siya at hindi niya kinaya ang controversies ! Hala ?

"Hi Bree !" napaalis ako sa kakaisip ko at tinignan yung taong bigla na lang nagsalita.

Kilala niya ako ? Haha malamang famous ako eh ! Joke !

"H-hi !" alinlangang sagot ko pa yan.

Di ko kasi ineexpect na babatiin ako ng new classmate ko this semester na si Mac, aka Mr. Dimples. Naalala ko before nung second week pa lang ng third year first semester habang naghihintay kami ng prof naka upo siya sa likodan ko nung bigla niya akong kinalabit para hingiin ang number ko.

Na shock ako nun, ikaw ba naman hingan ng number ng cute na lalake e, syempre di ako makapaniwala ! Kaya ayun ako namang si tungaw tinalikudan ko lang siya, naisip ko kasi baka mamaya dare lang yon !

"Oh hi Zackie and Alex" bati ni Mac, paglingon ko nandito na pala yung dalawang freaks.

"Hi !" ngiting tagumpay si Zackie na may kasamang wave pa.

"Sige una na ako" paalam ni Mac.

"Ow-my-gad ! Ampogi niya" kinikilig na sabi ni Zackie na may kasama pang hampas kay Alex.

"Aray ha ! Kikiligin lang mapanakit pa !" sabi ni Alex.

"Kyaah ! bet ko talaga yun" sabi ni Zackie.

"Landi nito !" sabi naman ni Alex.

"Bakit cute naman talaga siya eh !" sabi ni Zackie.

Hay ! pag ganitong usapan di na ako makarelate, wala kasi akong gana ngayon sa boys hunting, crushie thingy and blah-blah-blah ! This whole week kasi todo investigate at stalk ako sa mga balita about kay Izce at sa weird feeling na nararamdaman ko sa kanya.

Yea ! Pinag-isipan ko talaga ! Kasi naguguluhan na ako eh sa kemerut eklabu na nafefeel ko about him ! Hays whateves !

"Kumain na nga lang tayo" sabi ni Alex.

"Hays buti pa nga gutom narin ako eh ! Ano mag bff fries tayo ?" tanong ni Zackie tapos nag nod naman kami ni Alex.

Madrid Malls.

Damn ! Naaalala ko na naman siya, as in duh ! nandito kaya ako ngayon sa mall na tinitirahan at pag mamay-ari niya !

"Freaks wait !" sabi ni Zackie sabay pigil sa amin.

"What ?" tanong ko.

"Try natin mag J-co" nakangiting sabi ni Zackie kala mo nakapag bright idea e, gastos lang naman yung naisip niya.

Kung saan ka doon ako.

Yan ang motto naming tatlong magkakaibigan. Pag aabsent ka, aabsent din ako, pag di ka magbabayad sa punyetang paniningil ng school, hindi din ako, pag mapapaguidance ka sa gagawin mo, magpapaguidance din ako and many to mention eklabers.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon