And the summer is already coming shet nakakaiyak ang tagal kong hinintay to ! Tapos na din ang lahat ng delubyo, naipasa ko na ang 3rd year second sem ko at sa pasukan 4th year na ako huhu imagine konting kembot na lang rarampa na ang atey niyo sa PICC !
Kaso di parin pala ako tatantanan ng sumpa ng kolehiyo, may pagdudusahang ojt pa pala ako, why o why ? Yung mga summer plans ko mukhang magiging drawing na lang talaga at di ko na kailan pa makukulayan yun huhu !
So apply dito, apply doon ang peg namin ngayong tatlo nila Zackie at Alex boset nga e ojt pa lang to ang hirap ng maghanap paano pa kaya kung totoong trabaho na. Jusko !
Hm anyare na kaya doon sa apo ni Zuma, nakapasa kaya siya ? Tapos na ba pasok nila ? Di kasi siya nag kwekwento e, puro ako na lang lagi, halos ata ng buong talambuhay ko na ikwento ko na sa ahas na yun. Infernes good listener ang papa nimo todo kinig siya sa akin at natatandaan niya talaga lahat ng kinukwento ko. Kasi minsan tinatanong ko siya, aba naaalala niya bongga kala ko kasi kinekemerut niya lang ako e.
Hays tanungin ko kaya minsan yun kung anong chika niya about sa pag-aaral niya. Baka naman kaya di siya nagshishare kasi waley problema, sabagay mas lamang ng kember yung IQ niya sa akin kaya genern.
Yay ! Miss ko na siya, nag aalburuto na nga yun kasi want niya akong pumunta sa maala condo niya kaso now bawal pa kasi nga nag oojt hunting pa ako.
Umaga ngayon at kagigising ko palang bumangon ako ng higaan ko kasi pinatayan na ako ni mudra ng electric fan, mahal na daw ang kuryente at gumising na daw ako. Edi wow ! Napatayo naman ako ng di oras kasi ang init.
Umupo ako sa may kainan namin, pagtingin ko sa orasan 10:30 am na pala, kumuha ako ng pandesal na may dairy cream at isinubo iyon sa bibig ko. Bahay lang pala ako ngayon, pahinga muna kami sa ojt hunting dahil bigo naman kami kahapon.
At least di ba ojt hunting na kami ngayon at di na boys hunting hihi !
Kinuha ko yung phone ko at ikinonect sa wifi ng kapit bahay nang hindi nila alam hehe, IT be like hacking ng wifi at least may natutunan ako di ba.
Pagtingin ko nag notif sa messenger ko yung pangalan ng apo ni Zuma kaya bigla akong nabuhayan. Kyaah ang cute niya pa sa stolen shot na dp niya.
Isa itong himala jusko si Izce natututo na at active na po sa social network hallelujah !
Agad ko itong binuksan para mabasa at nagulat ako ng di lang pala isa ang message niya para sa akin.
Izce Madrid:
Good morning girlfriend
Are you still sleeping ?
Hey sleepy head !
Wake up !
I have to tell you something..
Tsk !
K. Fine
I miss you abnormal.
Alam ko dapat naniningkit na yung mga mata ko sa message niya na tinatawag akong abnornal. Pero shet-shet ! May I miss you dre kahit anong pigil kinikilig ako hayup !
Matagal ko munang dinamdam yung message niya yung tipong ilang beses ko munang binasa bago ako naka get over at nagreply sa kanya.
Bree Sanchez:
Hype na yan ! miss din kita <3
Yan may heart pa yan ah para feel na feel.
"Hoy anong nginingiti-ngiti mo dyan ?" tanong ni mama.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
أدب المراهقينYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...