Not once, but twice.
Dalawang beses lang naman ako naging center of attraction sa school na ito at ngayon potek sikat na sikat na ako.
Imagine ? Hakot award yung pagka planking ko sa gitna ng court tapos nakakuha naman kaming lahat ng pang famas award dahil sa action/dramatic scence na ginawa namin jusko po !
Ako ? Foreves nga-nga !
Ano bang irereact ko e nagsipag actingan na silang lahat yung feeling na kasali ako sa isang teleserye pero di ko alam ang flow ng eksena ? Genern yun teh ! Hays.
Matapos yung eksaheradang eksena e nanghingi ng sorry sa akin si Tovee di naman niya daw dapat sasabihin na girlfriend niya ako kaso wala na daw siyang naisip na ibang way para di na ako guluhin ni Kumag. Sina Jhaze at Lolyd naman ayun visitor na naman sa guidance haha tapos yung dalawang babaita di na ako tinigilan sa kakaasar. Hays !
"Nakita mo ba yung nangyari kahapon matapos yung game ?"
"Oo, tsk di naman maganda yung girl, as in wow ha yun pa yung pag aagawan nila"
"Yeah, di ba siya din yung nadapa sa gitna ng game kahapon ?"
"Oo haha sobrang laughtrip talaga ako dun, halikan ba naman niya yung floor dun e"
"Haha oo ako din, pero feeling ko pampam lang yung girl na yun e. How desperada !"
Nasa loob ako ng cubicle ngayon at naririnig ko ngayon tong mga putak ng bibig ng mga babaeng to. Malinaw naman diba ako yun e, obvious na obvious !
Pabagsak kong binuksan yung pintuan ng cubicle, letse bahala ng masira yan beastmode ako ngayon !
"WAAAAAAAHHH OMAYGAAAD !" tili nilang dalawa, mga na shock ata.
Tinignan ko sila ng masama at nakita kong natakot sila sa tingin ko. Hayuup ! Sabihan ba naman akong pangit e mga mukhang hipon naman pala sila ! Kung pangit ako e ano naman na sila ? Super pangit ganun ?
Nandidilim yung paningin ko nung lumabas ako, seryoso pa sa seryoso yung mukha ko nung lumapit ako ng lababo at nagbukas ng gripo para maghugas ng mga kamay ko. Silang dalawa naman nakatingin lang sa akin, medyo may space sa pagitan namin at ilang sandali namukhaan din ng dalawang hipon na ako pala yung pinag-uusapan nila.
Timpi Bree timpi ! Tandaan mo ayon sa welfare act eklabu barbalu chorva, bawal manakit ng hayooop !
Nilingon ko sila at nasindak naman sila, nasa corner na sila ngayon ng rest room habang umiiwas ng tingin sa akin.
"I'm just a simple girl, I don't pulled hair but I'll break bones kaya rumespeto kayo sa nakakaganda ha !" pagbabanta ko sa kanila tapos lumabas na ako ng restroom.
Pa beauty queen walk ako kung maglakad palabas pero nung nakalayo na ako bumagsak na yung confidence ko huhu ! Sabihan ka ba naman ng pangit ng mas pangit pa sa sayo e ? Shete nakakaiyak !
Maala condo ni Izce.
Eto tambay na naman ditey, maaga kasi yung uwi ko ngayon kaya kesa naman sa utusan lang ako sa bahay e dito muna ako haha ! Gusto ko ma good vibes nakakaimbyerna sa school e.
Nakaupo lang ako sa trono kong couch habang nakatanaw sa apo ni Zuma na super busy sa mga school ek-ek niya. Hays bat ba ang sipag niya ? Sana nadodonate ang kasipagan hihi !
"Wait lang girlfriend ha, malapit na to matapos" sabi niya habang nakatingin sa lappy niya.
"Di keri lang, easyhan mo lang dyan kesa naman sa magkamali ka" sabi ko tapos tumango siya.
Almost 1 hour na din akong ganto, halos naikot ko na tong couch, naubos ko na tong pagkain sa harap ko, napagtripan ko ng utuin si Moby sa kakahabol ng anino ko at kanina ko pa napagnanasaan tong apo ni Zuma na ito.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...