Nag inat ako pagkakigising ko. Agad kong tinignan yung wrist watch ko at nakita kong lagpas alas dos na ng hapon.
"Sa wakas nagising na rin ang senyorita" sabi ni Eli na nasa kusina at kinakalampag yung kawaling hawak niya gamit yung sanse.
Di nga bunganga ng mudra ko yung narinig ko pero yung boses naman niya.
"Pasalamat ka at wala kang pasok ngayon at wala din akong pasok kundi sa labas ka sana natulog kagabi at palaboy na ngayon" sabi niya habang nagluluto. Naka aprone pa, ang arte talaga.
Bumangon ako sa kama niyang na nasa sahig lang at tumingin sa paligid. Ang saya siguro kung nakadorm din sana ako no, kahit kasing liit lang ng dorm ni Eli na ganito keri na. Tapos ka dorm ko pa siya siguro sasakit tenga ko sa ingay niya.
"Oh Princess Sarah, nyeta nakakahiya naman po senyo pasensya na sa hotdog na tangmusal niyo" sabi niya sabay lapag ng pagkain sa maliit na mesa niya. Ako naman natawa na lang.
"Bakit sino ka ba?" tanong ko.
"Si Becky" sagot niya sabay hawi ng bangs niyang nakakaasar haha.
"Haha ampode"
"Teka babae, oo nga pala bat ka lasing kagabi ha?" sabi niya sabay lisik ng mata sa akin.
"Di ako lasing nakainom lang" sabi ko.
"Oh ano nga? Ikaw may kabit ka ba?" sabi niya sabay taas ng kilay.
"Anong kabit pinagsasabi mo?"
"Weg me keng lenlengen bebee ke. Sino yung fafa na kasama mo kagabi ha?" sabi niya sabay duro ng tinidor kaya hinawi ko.
"Makatusok ka ha! Si Flare nga yun"
"Flare ano? My ged nakikipaglaro ka na sa apoy?" oa na sabi niya sabay alog sa akin.
"Gaga hindi no. Kambal yun ni Izce, may tinanong lang ako" sagot ko tapos nalungkot na naman ako kasi naalala ko si Izce. Lagi na lang ba paggising ko ganito ako?
"Ambot ka te! Kambal pa. Anong nangyari sayo at kambal ang tinuhog mo!" naiiyak na drama niya.
"Hoy tumigil ka nga. Kapatid niya yun kaya nagtanong ako, yun lang impakta to" sabi ko sabay kain.
"So di mo siya fafa?"
"Sapak gusto mo?"
"Ay di bes. Bongga akin na lang siya rawr!" malanding sabi niya. Umirap na lang ako.
"Eh bat mo tinatanong yung jowa mo sa twinny niya aber?" tanong niya tapos di ako nakasagot at tinignan na lang siya ng malungot.
"Oh my gee! Break na kayo te?" tanong niya. Di ko sumagot at mas nagmukhang malungkot pa lalo kung marinig ko na naman yung salitang break.
"Bakit ateng? Sino nakipag break ikaw ba o siya? Sinaktan ka ba? Naku wag ko lang makikita yun at magpapakalalaki ako para ma jombag lang siya" sabi ni Eli na akala mo e mas affected pa sa akin.
"Hindi. Ako yung nagdesisyon, pinaalis ko siya waah!" sabi ko sabay iyak na naman tapos niyakap ako ni Eli.
"Hala bakit?"
"Kasi kailangan e ngayon nasa ibang bansa na siya. Nagsisisi ako, ang tanga-tanga ko. Ang gaga ko, di naman ako maganda pero nagmaganda pa ko at pinaalis siya waah!" sigaw ko ulit.
"Oo nga bes e ang pogi nun" sabi ni Eli kaya mas lalo akong umiyak.
"Teka sinabi mo bang break na kayo?" tanong niya.
"Hindi"
"Eh sinabi niya ba?"
"Hindi din"
"E so ano yun cool off lang kayo o wala lang closure?" tanong niya ulit.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...