Pagdilat ko ang sakit sakit ng mata ko feeling ko nga namamaga na ito eh ! Magdamag ba naman akong umiyak at nagwawala kahit nakagapos ako, ang sakit na din pati ng katawan ko. Nakita ko si Zuma na gising na at nilalakasan yung aircon, ang lamig lamig na nga lalakasan pa.
Bigla siyang tumingin at lumapit sa akin kaya natakot ako. Tinanggal niya yung busal sa bibig ko.
"Gross !" sabi niya.
Eh kung combohin ko kaya to ! Mandidiri siya eh siya kaya tong buong gabing nakabusal tignan ko lang kung hindi niya iyon malalawayan !
Nakatingin parin siya na nandidiri sa akin.
"Palayain mo na ako ! For sure hinahanap na ako" pagmamakaawa ko.
Di siya nagsalita, aba potek snobers to ah ! Na seenzoned ako !
"Anu ba ! Pauwiin mo na ako !" sigaw ko.
"Would you shut up ! Kagabi ka pa ! Youre so annoying !"
"Yun naman pala edi pauwiin mo na ako"
Bigla niya akong binuhat, isinabit niya ako sa balikat niya tapos inilapag sa couch. Lumuhod siya sa sahig tapos kumuha ng pagkain na nakalagay sa coffee table.
"Aah!" sabi niya. Balak niya ba akong subuan ? Sabagay nakatali parin yung mga paa at kamay ko.
Pero wait ! Baka mamaya may lason yan tapos takot lang siya na pumatay kaya ang balak niya kakatayin niya na lang ako pag tegi na ako. No ! Hindi siya magtatagumpay.
Bigla kong isinara yung bibig ko, nakita kong kumunot yung noo niya hinawakan niya ako sa pisngi at pilit na pinapanga-nga.
"Hindi ka kakain ?"
Bigla siyang tumayo.
Hala ! baka pipilitin niyang buksan yung bibig ko ? Naku baka naman mabali yung panga ko.
Natakot ako kaya ngumanga na ako. Huhu ! Patuloy kong ninunguya yung sinubo niya, feeling ko any moment bubula na yung bibig ko, pero infernes ang sarap ng pagkain. Iyak lang ako ng iyak !
"Stop crying ! It's annoying" nakakunot noong sabi niya.
"Sinong hindi iiyak eh na kidnap ako !" sigaw ko sa kanya pero bigla akong nabilaukan.
"Shit !" sabi niya tapos tumayo siya bigla at pinainom ako ng tubig.
Matapos niya akong painumin ng tubig bigla ulit akong umiyak.
"Damn ! I told you not to cry it's so annoying !" sita na naman niya sa akin.
Gustong-gusto ko ng imurder ito eh ! Eh sa nangangati kaya ako at hindi ko makamot kasi nakatali yung mga kamay ko ! Kagabi pa ako nagtitiis sa kati eh !
"Grrr !" sabi ko sa kanya.
"Stop crying !" sigaw niya.
"Eh sa nangangati ako eh ! Di ko makamot kasi tinali mo yung kamay ko !" sigaw ko sa kanya, natakot naman ako sa tingin niya.
"Saan ?"
Whuuuuut ?
Balak niya ba na siya yung kumamot nito ?
"Ayoko nga !" sigaw ko.
"Then magdusa ka !" sabi niya tapos tumalikod.
Waaah ! Ang kati na talaga !
"Yung likod ko makati" sabi ko tapos lumapit siya sa likod ko at kinamot iyon.
Naku ! Baka mamaya tumulis bigla yung kuko niya at i wolverine niya ako. Huhu !
![](https://img.wattpad.com/cover/38372263-288-k705863.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...