February 14.
"Anong ginagawa natin dito?" magkasalubong kilay na tanong ko sa tatlong impakta na si Zackie, Alex at Eli.
"Obvious ba edi sasakay. Bubu neto" pilosopong sagot ni Alex.
"Gaga alam ko! Nakikita ko di ba, bat tayo nandito?!" sabi ko sabay hablot sa buhok niya, kakalbuhin ko to e.
"To naman Bree imbis na magkontra bida ka dyan e mag-enjoy na lang tayo" sagot ni Zackie. Isa pa to e ito yung pasimuno nito.
"Eh bat di niyo sinabi? Kala ko ba mag dedate tayo? May papula-pulang tshirt pa kayong pauso, yun pala gusto niyo lang patulan yun 50% promo ng Star City" sabi ko na halos mapatid na yung ugat sa leeg ko.
Tae tong mga to! Kaya pala nagtaka ako nung bat kami nakapulang apat tapos nagulat na lang ako bumaba kami dito at sinisingil ako ngayon 250 para sa entrance fee.
"Sayang kasi bes. Minsanan lang to no, di ba nga mga 50% off warriors tayo?" sabi ni Zackie na inuuto pa ko.
"Utot mo, ayoko uuwi na ko" sabi ko sabay layas sana kaso pinigilan ko ng mga bruha.
"Ang kill joy naman neto. Dali na amin na 250 mo. G na tayo dito" sabi ni Zackie.
"Kill joy mo to. Ayoko!" pagpupumiglas ko.
"Oh yan sabunot mo yan!" sabi naman ni Eli sabay hablot sa buhok ko. Kupal to ah papanotin pa ko.
"Bree naman e, di ba nga dati ikaw tong makulit na gustong-gustong mag Star City?" sabi ni Alex.
"Dati yun, di ngayon" sagot ko.
"Bree naman e, nakakapagod ka na ha kahit payat ka" sabi ni Zackie.
"Bat ba ayaw mo ha? Time is gold jusko nyeta tayo na sa loob" inis na sabi ni Alex sabay binitawan nila ako.
"Kasi nga di ba--"
"Ano?!"
"Kasi nga di ba sa Enchanted Kingdom naging kami ni -- Izce" shet pati pangalan ni Izce nahihirapan na akong bigkasin.
"Muntanga naman to e Enchanted yun gaga Star City naman to. Bat ka ba nangdadamay ha?" sabi ni Eli sabay cross ng arms niya.
"Kahit na theme park parin to" sagot ko.
"Bobo Star yung may-ari nito yung sa Enchanted yung matandang ermitanyo yun. Di tama na magdusa yung Star tara na!" sagot ni Eli.
In the end sila parin ang nanalo, three versus one e. Edi wow!
"Smile bree smile!" pang-aasar ni Zackie nung naghahanap na kami ng rides.
"February ngayon bes, yung mukha mo pang semana santa" sabi ni Eli sabay pisil sa pisngi ko.
"Hoy ngiti! Manlalait pa tayo ng mga kupols este couples ngayon haha" sabi naman ni Alex tapos hinila ako at pumasok na kami sa may hunted house.
Kung saan-saang rides na kami sumakay, masaya, tipong halos makita na yung mga ngala-ngala naming apat kakasigaw at kakatawa. Pero ang depungal talaga ng life e no? Kada sakay namin ng rides, kada tili o tawanan namin, kada kakain kami at kada libot namin mapatigil o mapatulala lang ako sandali bigla na lang ako malulungot kasi maaalala ko na naman siya.
"Oy ang lungkot mo na naman Bree smile ka nga, wag ka pa affected sa mga kupols na nasa paligid, maghihiwalay din yang mga yan" sabi ni Alex.
Di naman ako nagpapa affected e, actually di ko nga sila napapansin pero dahil sa sinabi ng Alex na to napatingin tuloy ako sa dalawang mag jowa na masakit sa mata tignan habang sweet na nagseselfie.
![](https://img.wattpad.com/cover/38372263-288-k705863.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Novela JuvenilYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...