Man, I Think I Love Her !

105K 2.9K 601
                                    

Blooming na blooming akong papasok ng school today haha ! Iba pala ang feeling pag lumalandi ka na chos ! Dalagang Pilipina parin ito no !

"Bree !" sigaw nung dalawang balahura kong kaibigan, sino pa ba ? Edi sina Alex at Zackie.

"Oh bakit nyo tinatawag ang dyosa ?" walang ganang sabi ko.

"Panget mo ! Anong dyosa ka dyan" sabi ni Zackie.

"Kaya nga namisses ka lang namin, paano minsanan ka na lang sumasama sa gora at boys hunting natin" sabi naman ni Alex.

"Haha ! Sorry na mga freaks, promise next time g na g na ako" sabi ko tapos para kaming timang na naggroup hug sa may campus.

Kakapasok pa lang namin ng room ng biglang may lapastangan na tumawag sa akin.

"Oy Bree may dalaw ka !" sabi nung engkanto kong kaklase na laging tambay malapit sa may pintuan, kaya siya lagi yung tumatawag kapag may naghahanap sa room namin.

"Sino ?" tanong ko.

"Abay pake ko puntahan mo !" sagot ni engkanto, posa bastos din tong lalaking to e.

Paglapit ko sa may pinto tumambad sa akin yung cute na nilalang. Syempre di ko expect kaya nanlaki yung mata ko at napa dropped jaw ako.

"Hi !" nakanigiti niyang sabi na halos di na kita ang mata niya. Oh chinito !

"Tovee ?" still shock na sabi ko.

"Yep, buti naaalala mo pa ako" sabi niya. Sus syempre pogi ka kaya di kita makakalimutan haha !

"Bakit ka naparito ?" ano ang ginagawa ng culinary student sa IT building aber ?

"Ah ! Kasi ano-- for you" sabi niya sabay abot sa akin ng isang tupperware.

Binebentahan niya ba ako ? Grabe naman to kakakilala lang namin pagkakakitaan agad ako. Porket ba cute siya kaya alam niyang di ko siya matatanggihan ?

"Ano yan ? Para saan ?" kunware maang-maangan akong di ko alam na binebentahan niya ako.

"Am.. food. Nagluto kasi kami kanina and I want to give this to you. I cooked it" sabi niya sabay abot sa akin, ako naman kinuha ko sayang grasya e.

So di pala niya ako binebentahan ? Hays sensya naman akala ko kase e.

"Arigato !" bigla kong sagot.

"Ha ?" confused na tanong niya.

"Eh ? Sorry japanese yun it means.. thank you" kinakabahan na sagot ko. Posa naman e kakapanood ko to ng anime e.

"Ah ! Haha kala ko minumura mo na ako e haha!" natatawang sabi niya, takte ang cute ni koyaa.

"Ah sige una na ako may klase pa ako e" sabi niya tapos umalis at kumaway siya.

Ako naman eto napatingin sa tupperware na hawak ko. Is this true ? Binigyan ako ng pagkain. Demn ! Is this the perks of having a friend in a culinary degree ? Kung ganun lang din trotropahin ko na silang lahat haha !

"Oy ano yan ?" tanong ni Lolyd na lumapit, tapos naglapitan na din sina Alex, Zackie at Jhaze.

"Pagkain binigay saken ni Tovee" sagot ko.

"Omagash ! Yung si poging culinary ?" eksaheradang tanong ni Zackie kaya nag nod ako.

"Takteness Bree ! Ang haba ng hairlaluu mo, tabi guys baka matapakan !" sigaw ni Alex.

"Hoy bruha wag nga kayong sumigaw" sabi ko.

"Sus crush nyo yun ? Bading naman yun e" singit ni Jhaze.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon