Soon

65.5K 2K 307
                                    

Nandito na naman kami tumatambay sa isang tabi.. haha !

Nandito kami ngayon sa isang mall na malapit sa mga universities, hindi ito yung mall ng apo ni Zuma kasi nagsasawa na daw sa environment doon sina Zackie at Alex dahil kabisado na nila daw yun so sa iba naman kami ngayon rumarampa para mag explore at maging Dora.

Ang arte !

Iniisip kasi ni Zackie na baka dito na niya daw mahanap yung forever niya dahil mas maraming universities school yung malalapit dito. Hays di parin pala natatapos tong boys hunting kemerut adventure namin na ito e.

"Sabi na e dito tumatambay lahat ng mga pogi" sabi ni Zackie na tumitingin-tingin sa paligid.

"Hoy puro ka phone Alex" puna ko sa kanya paano simula ng nagkita kami hanggang dito puro phone lang siya kala mo walang kasama e.

"Chinachat kasi ako ni Neg" sabi ni Alex at yung tinutukoy niya ay si Jhaze.

"Utang na lamang loob di ba kayo nag-uumayan ?" sabi ko, paano magkasama na nga sa school until chat parin, di ba sila nauubusan ng kwento.

"Kulit kasi nito e madaya daw tayo kasi di natin siya isinama" sabi ni Alex.

"Dapat lang naman girls bonding to bawal ang bakla" sabi ni Zackie.

"Ikaw din no puro ka rin kaya phone kanina" sabi ko.

"La nag omegle lang naman ako kanina, malay mo kasi diba nandoon yung forever ko kaso naurat din ako mag ganun e" sagot ni Zackie.

"Desperada na siya"sabi ni Alex kaya tumango ako.

"Hala grabe kayo" sabi ni Zackie.

"Tara na nga kumain na tayo nagugutom na ako e" pag-aya ko sa kanila.

Naglalakad na kami papuntang Mcdo, matapos umorder naghanap naman kami ng mauupuan, sakto naman na nakita ko sila Paige at Tracey yung mga barbie na classmate ni Izce.

"Ow hi !" bati nila.

"Hi !" bati ko sabay ngiti.

At least confirm di ba na nagfafast food din pala silang mga rich kid.

Matapos makipag batian umupo na ako at nilapag ang dala-dala kong mga order namin, paano sila Alex at Zackie takot magdala ng tray at baka daw matapon nila.

"Kilala mo yung mga yun ?" tanong ni Zackie kaya tumango ako.

"Paano ?" tanong ni Alex.

"Mga classmate sila ni Izce, nakasama namin sila nung kumain kami sa may japanese resto" sagot ko.

"Wow nag ganun kayo so nag chopstick ka ?" tanong ni Alex.

"Oo tingin mo sakin di marunong e lagi tayong lumalamon sa may Hong Kong fried noodles e" sabi ko.

"Ang OA tinanong lang e, masarap ba dun ?" tanong ulit ni Alex.

"Oo masarap, makati nga lang sa wallet" sagot ko.

"Oy ano ulit kasama niyo ng jowabells mo sila ?" tanong ni Zackie.

"Oo bakit ?" nagtatakang tanong ko.

"Okay lang sayo ? Hmp dapat hiwalay kayo nasira pa tuloy date niyo" sabi ni Zackie.

"Oy kumain lang kami, di date" sagot ko.

"Kahit na diba bakit may kasamang iba e bonding niyo yung mag jowa e" sabi ni Zackie, mukhang may pinaglalaban talaga.

"Nagkataon lang, nakita namin sila doon kaya one table na lang kami" sabi ko.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon