Saan ka pumunta akong sawi ng Palawan pero umuwi naman ako ng Manila na wagi haha!
Sa eroplano.
"Izce!" sigaw ko sa kanya.
"Why?"
"Sa may bintana ako" sabi ko sabay dali-daling dumaan sa kanya.
"Haha why in a hurry? Para kang bata" natatawang sabi niya.
"Gusto ko sa bintana e para makita ko yung view sa labas tsaka magpipic ako pang ig hehe" sabi ko sabay labas ng phone ko.
"Is this the first time you ride in this?" tanong niya.
"Nope boyps! Nag airplane din kami nung papunta" pagmamayabang ko.
"Aw sayang. I want to see how you reacted. Actually when the first time I ride in this too I remember you and wish we both experience our first ride in the airplane" sabi niya Izce habang nakatingin sa akin.
"Woo nag eemo pa siya haha" pang-aasar ko.
"I was just saying the truth girlfriend" sabi niya at pinisil yung pisngi ko. Jusko lalawlaw na to e.
"Oo nga pala, alam ba nila yung tungkol sa half face mo Izce?" tanong ko.
"Yes, don't worry" sabi ni Izce sabay gulo ng buhok ko.
Dalawa lang kaming umuwi ng Manila. Sila Tovee at Arnie at yung buong staff ng resto mamaya pa, sila Santa Claus, Snow White and the company ewan ko ang alam ko lang nagpaalam si Izce doon at pinayagan naman siya.
"Oo nga pala Izce may isa pa akong tanong" sabi ko. Bawal kong palampasin to kasi isa to sa bumabagabag sa akin e.
"What it is?"
"Bakit ka pala mukhang galit nung nakita ko ako kahapon nung kasama ko si baklang Arnie?" tanong ko.
"Ah that.. cause you said something that irritates me" sabi niya sabay kamot ng batok.
"Ano yun? Hala wala kong sinasabi nun na masama sayo, di nga ako nagmumura e. Si Arnie kasi inimbyerna lang ako nun" paliwanag ko.
"No. When you said that word 'ayoko na, pagod na ako' thingy" sabi ni Izce na mukhang naiirita.
"Nang dahil lang doon? Nasabi ko yun kasi yung depungal na Arnie na yun inalipin na ko mula madaling araw hanggang hapon I kennat" sabi ko na naiinis kasi naaalala ko mga pang-aalipin niya sa akin.
Daig ko pa kaya si princess Sarah nun kulang na lang pabalatin niya ako ng mga patatas e.
"No. Cause you also said that in my dreams" sabi ni Izce.
"Ha?" di ko kasi siya gets e.
"I had a dream girlfriend, you breaking up with me and you said that for so many fvcking times for God's sake" sabi niya ng nakabusangot ng bongga.
"Haha we di nga?" di makapaniwala kong tanong paano may pa pout pa si Izce ng lips niya e.
"I was telling the truth. Do I look like I was fvcking lying huh?" sabi niya ng masungit. Hehe pati yung pagmumura niya ng english namiss ko rin.
"Ichika mo nga yang dreams mo" sabi ko, gusto ko kasi malaman kung ano yung eksena ko don e haha.
"Ayoko. What I did in there was embarrassing" sabi niya at tumingin sa malayo.
"Ay ang arte? Ano nga" pagpupumilit ko, nakakacurious tuloy.
"No shut up, just take a pic and upload it to your beloved ig" sabi niya without looking.
"Ichika muna dali mahaba naman yung byahe boyps e" pagpilit ko sabay alog sa balikat niya paano nagtutulog-tulugan na.
"I'm sleepy" sabi niya sabay hila sa akin tapos niyakap ako.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...