Dark Childhood

80.8K 2.2K 209
                                    

That birthday was a big boom ! Boset talaga yung apo ni Zuma na iyon nakanakaw na naman ng kiss sa akin, siya ata yung nag fefeeling na may birthday at hindi ako e.

Okay move on na dahil tapos na ang birthday ko and now I'm still happy kasi naaamoy ko na yung kapaskuhan yiee sembreak na.

And speaking of naaamoy..

"Ano ba kuya ! Pft yuck ! Takte ang baho" sigaw ko sabay tadyak sa kanya kaya nahulog siya sa sofa at napunta sa sahig.

"Alangan namang may utot na mabango ?" sabi niya sabay tayo sa sahig.

"Posaanggala yung iyo mas mabaho pa sa mabaho e yung tipong mapapamura kang talaga !" sigaw ko habang nakatakip ang ilong.

Shete ! Feeling ko bumaliktad pati kaluluwa ko.

Tumayo ako at umalis sa sala naming nalaganapan na ng lagim dahil sa masamang hangin na dulot niya.

Pagdating ko ng dinning table nakita ako si mudra na may nililista.

"Ano yan ma ?" tanong ko.

"Wag kang magulo dyan nililista ko yung ihahanda natin sa noche buena" sabi niya.

Ginugulo daw e nagtatanong lang naman ako, OA din nito e.

Bigla akong nakaisip ng bright idea.

"Ay ma !" sigaw ko ng masaya.

"Ay ano ba yan ! Yan tuloy nagkamali na ako sabi sayo wag kang magulo e" busangot na sabi ni mudra ko habang nakatingin sa akin.

"Grabe kayo nagsulat tapos ako may kasalanan ?" sabi ko.

"Ano ba kasi yun ?" tanong niya sabay ulit ng mga nililista niya.

Di na matapos-tapos yung listahan na yan.

"Dito ma mag christmas si Izce ah ?" sabi ko.

"Sige" sabi niya habang focus na focus sa sinusulat niya.

Ganern na yun ?

"Okay" sabi ko sabay alis, mamaya kasi magkamali na naman siya at sa akin na naman isisi e.

Pagdating ng hapon niyaya ako ng dalawang freaks at si Eli na gumora, di ko naiikwento close din itong si bakla sa kanila dahil naipakilala ko na sila kay Eli before noong mga second year pa lang kami. Mag bonding muna daw kami bago kami magbakasyon. Tamang-tama ngayon ko na din sasabihin kay Izce na doon na lang siya sa amin magpasko ngayon.

Hmm.. kung hindi siya sa kanila magpapasko ngayon.

Madrid Mall.

"Hays ! Nabubwisit ako sa dami ng tao dito" sabi ni Zackie.

"Magpapasko na kasi kaya ganun" sabi naman ni Alex.

"Wow daming sale, sayang nakapamili na tayo kanina doon sa kabila" sabi ko.

"At hmm.. ang dami ding fafa yiee" malanding sabi ni Eli.

Paakyat kami ngayon habang nasa escalator, papunta kasi kami ngayon ng timezone dahil gustong bumirit at mambasag ng eardrums itong tatlong bruha na ito.

Kaso pati sa timezone umuulan ng mga parasites. Halos di ka na makadaan, yung iba di naman naglalaro kundi nakikitambay na lang hays.

"Ano ba yan wala ng vacant, kantang-kanta na ako e" sabi ni Alex na sa sobrang excited e nakabili na agad ng mga tokens.

"Kanina pa ako nagvovocalized wala parin bang lumalabas dyan, hoy !" sabi ni Eli sabay kalampog doon sa videokehan.

"Hoy gaga mga lalaki yung nasa loob niyan baka suntukin ka nila pag labas nila" natatawang sabi ko kay Eli.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon