Naglalakad ako ngayon palabas ng headquarters kemerut ng mga FBI kasama si Flare, palingon-lingon pa ako sa likod ko kasi iniisip ko si Izce. Di kasi namin siya kasama palabas ng depungal na lugar na ito. Labag sa lamang loob ko ang pag-alis ko ngayon dito ng di siya kasama, kaso sumunod lang ako sa sinabi ni Izce.
"Ayoko magkamatayan na!" sigaw ko habang nakayakap kay Izce.
Kasalukuyang hinihila ako ng mga security ngayon, kahit medyo naaawa na ako kay Izce kasi halos mapilayan na siya kakakapit ko na parang tarsier di ako nagpatalo.
"Girlfriend" sabi ni Izce habang nakatingin sa akin.
Ewan ko kung kakampi ko siya o hindi kasi nakatayo lang siya, di ko alam kung gusto o ayaw niya akong umalis.
"Ano ba bitawan niyo ko! Izce! Di ako aalis ng di siya kasama" sigaw ko habang todo kapit parin.
Letse magkamatayan na talaga di ako aalis ng di ko kasama tong apo ni Zuma na ito.
"Aray kuya masakit ah! This is against the human rights na" sabi ko. Sakit kaya ng hila nila.
"I see humans but no humanity!" sigaw ko. English na yan ha, nageffort pa ko para magets nila.
"Hey don't hurt her wait!" saway ni Izce sa mga kupal na security.
Hinawakan ni Izce yung magkabilang braso ko habang nakatingin sa akin, ako nakakapit parin aba baka mamaya hatakin na lang ako bigla ng mga damuho e kaya bawal akong madistract kay Izce.
"Girlfriend you have to go" sabi ni Izce.
"Hindi!"
"Girlfriend listen to me--"
"Ayaw! Boyps naman e" sabi ko.
"Hays.. girlfriend listen to me first" sabi niya tapos hinawakan ako sa magkabilang pisngi at pinatingin sa kanya.
"You have to go. I have to finished my business in here. I promise I'll be back to you. I won't let myself to get far away from you again, you know that I always find my self back to you cause you are my home" sabi niya.
Labag sa loob ko pero tumango ako sa kanya. Totoo si Izce sa mga sinasabi niya kaya naniniwala ako.
"Okay girlfriend?" tanong niya kaya tumango ako.
Habang hawak-hawak parin ang magkabilang pisngi ko bigla akong hinalikan ni Izce sa noo tapos tinitigan ako sa mata sabay na binulong ang salitang I love you.
"Let's go maam" sabi ni kuyang security sabay hawak nila sa braso ko. Atat men?
"Go with them. You'll be safe and I'll be safe I promise I won't let anyone get hurt you" sabi ni Izce sabay pat sa head ko.
Hinahatid na ako palabas pero yung leeg ko halos mabali na kakasilip kay Izce, si Izce naman nakangiti lang sa akin na parang sinasabi na okay lang ang lahat.
Biglang tumalikod na si Izce at unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko ng biglang may nag udyok sa akin. Tumakbo ako bigla pabalik sa kanya at niyakap ko siya agad mula sa likod.
"Girlfriend--"
"Ssh" sabi ko at hindi ko na siya pinatapos pa.
"I love you" sabi ko at sinigurado kong siya lang ang makakarinig.
Tapos pampam di naman birthday yung mga security, bigla ako ng hinila at pinalabas letche kitang nag momoment e! Bastusan genern?
Nakita ko na lang na nilingon ako ni Izce, nakaawang yung bibig niya. Sinusundan niya ako ng tingin at halatang gulat.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...